Pagkamakabayan: Kaisipan at karanasan
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Pinag-aralan ng mga mananaliksik kung paano binibigyan kahulugan ng mga Pilipino ang pagkamakabayan sa konteksto ng pangyayari at ang kanyang karanasan nito. Pinagtuonan ng pansin ang tatlong mahalagang kasaysayan sa Pilipinas, kabilang dito ang Panahon ng Pakikidigma sa Hapon (1942), Panahon ng Batas Militar (1972) at Panahon ng Rebolusyon sa Edsa (1986), sapagkat ito ang mga panahong kinakitaan ng pagkamakabayan ang mga Pilipino.
Kumuha ang mga mananaliksik ng labing-limang kalahok sa bawat panahon at sinuri ang kanilang behebyor, pag-iisip at mga katangiang maaring magbigay kahulugan sa kanilang pagiging makabayan.
Ginamit ang kwalitatibong lapit at exploratory naman ang uri ng pag-aaral. Ang katutubong metodo ng pakikipagkuwentuhan ang napili ng mananaliksik upang makuha ang mahalagang datos mula sa mga kalahok.
Para sa mga resulta, gumawa ng buod ng bawat kuwento sa bawat panahon, at ang nasabing mga kuwento ay nilagom upang makagawa ng isang buod ng lahat ng kuwento para sa bawat panahon. Dito ipinakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga kuwento sa isa't-isa. Sa diskusyon, nagsilbing gabay sa pag-aanalisa ang nabuong balangkas na konseptual ng pag-aaral, upang lubusang mahanapan ng kasagutan ang pangunahing problem na ano ang nagbibigay kahulugan sa pagkamakabayan bunga ng partikular na karanasan ng tao sa isang mahalagang bahagi ng kasaysayan? at ang kasama nitong mga sab-problems na ipinahayag ng mga mananaliksik sa pag-aaral. Tinignan din ang ugnayan ng nakalap na datos doon sa mga nakasaad sa nabasa ng literatura.
Sa konklusyon ng pag-aaral nabatid na likas sa mga Pilipino ang pagiging makabayan, ngunit ito'y lubusan lamang naipapamalas sa mga pangyayaring, nagdudulot ng pag-aalipusta sa kanyang pagkatao. Ang pangyayari at ang interaksyon nito sa kanyang pagkatao at pansariling karanasan ang nagbibigay kahulugan sa kanyang pagkamakabayan.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU07750
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
110 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Nationalism; Filipino personality; Identity (Psychology)
Recommended Citation
Dela Cruz, R. T., Gomez, K. A., & Villasin, R. J. (1997). Pagkamakabayan: Kaisipan at karanasan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/8515