Mga babaeng nagkakaroon ng relasyon sa labas ng kasal

Date of Publication

1997

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa mga babaeng may-asawa na nagkaroon ng relasyon sa labas ng kasal. Tinalakay ang mga kadahilanan para makipagrelasyon sa iba. Naging paksa rin ang mga pananaw, damdamin at kilos na bumubuo sa karanasan ng babaeng nakipagrelasyon sa labas ng kasal. Ang napiling disenyo ng pag-aaral ay deskriptib na ginamitan ng malalimang pakikipanayam sa paglikom ng datos. Ang mga kasagutan ng mga kalahok ay ginamitan ng kwalitatibong pagsusuri ng nilalaman. Ang labinlimang kababaihan na naisama sa pag-aaral ay nakuha mula sa referral o networking.

Marami at iba-iba ang naging dahilan ng mga kalahok kung bakit sila nakipagrelasyon sa labas ng kasal. Ang hinahanap ng mga babae sa isang relasyon sa labas ng kasal ay maaring emosyonal comfort, makakasama o sekswal na kasiyahan. Ang karaniwang nararamdaman sa umpisa ng pakikipagrelasyon ay kasiyahan. Nang tumatagal, nagsisimulang magkaroon ng guilt at pagsisisi. Karamihan sa mga kalahok ay may positibong pananaw ukol sa kasal. Malaking bahagi ng mga kalahok ay naniniwalang masama ang pangangaliwa. Iba-iba ang pananaw ng mga kalahok sa kanilang karanasan sa pakikipagrelasyon sa labas ng kasal, mayroong masaya at mayroon din namang nagsisisi.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07771

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

142 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Interpersonal relations; Adultery; Married women; Wives

This document is currently not available here.

Share

COinS