Sekswal na panliligalig... sa mga bakla!: Isang diskreptibong pag-aaral ukol sa konsepto ng mga hayagang lalakeng homosekswal sa sekswal na panliligalig na ginagawa sa mga kapwa hayagang lalakeng homosekswal

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral hinggil sa konsepto ng mga hayagang lalakeng homosekswal sa sekswal na panliligalig na nangyayari sa mga hayagang lalakeng homosekswal. Bukod sa konsepto ay isinalarawan din ng mga mananaliksik ang mga uri at kilos ng sekswal na panliligalig, mga kadahilanan ng pangyayari ng sekswal na panliligalig, mga iba't-ibang sitwasyon sa posibleng pangyarihan ng sekswal na panliligalig, mga katangian ng madalas manligalig at mga pamamaraan ng pag-agapay nila sa pagkakataong nangyayari ang sekswal na panliligalig.Tatlumpu (30) ang mga kalahok at sila'y pinili ayon sa tatlong larangan: sampu (10) na hayagang lalakeng homosekswal mula sa larangan ng Cosmetics, sampu (10) mula sa larangan ng Fashion Design, at sampu (10) mula sa larangan ng Theater Acting.Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang konsepto ng mga hayagang lalakeng homosekswal sa sekswal na panliligalig ay ang maling paggamit ng kapangyarihan at ang sekswal na panliligalig bilang isang subhektibong konsepto. Ang uri at kilos nito ay nasa anyong pisikal, berbal at biswal. Ang kadahilanan ng sekswal na panliligalig ay internal (kaugnay sa bakla) at eksternal (kaugnay sa lipunan at manliligalig). Kahit sino ay maaaring manligalig, at kahit saang lugar o sa lahat ng oras maaaring mangyari ang sekswal na panliligalig. Ang paraan ng pag-agapay ng mga homosekswal sa sekswal na panliligalig ay ang hindi pagpansin sa manliligalig at hindi pagsasawalang bahala sa panliligalig o gumagawa sila ng mga aksyon upang malabanan, mabawasan o mapigilan ang panliligalig.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06830

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

166 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Homosexuals, Male; Sexual harassment; Homosexuality; Concepts

This document is currently not available here.

Share

COinS