Pagtataray: Isang panimulang pagsusuri ng konsepto base sa karanasang popular

Date of Publication

1996

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa pagbibigay ng panimulang konsepto ng pagtataray. Tinalakay ang kilos, dahilan at sitwasyon, at ang taong taga-ganap ng pagtataray upang makabuo ng kahulugan ng pagtataray. Dahil dito, ang napiling disenyo ay eksploratoryo na ginamitan ng multi-method approach na binubuo ng larangang leksikal at ginabayang talakayan. Ang mga kalahok ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling technique na binubuo ng 40 mga tindero't tindera ng New Divisoria Market.Ang larangang leksikal ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit ng sarbey-interbyu. Mula sa mga datos na nalikom dito, gumamit ang mga mananaliksik ng kontent analisis kung saan pinagsama-sama at kinategorya ang magkakahalintulad na datos. Samantala, ang mga hindi magkakatunggaling resulta ay siyang binigyang-linaw sa ginabayang talakayan.Ang pagtataray ay isang panandaliang pamamaraan ng pamamahayag ng kalooban ng isang tao. Napapaloob dito ang kilos kung paano ito ipinapamalas, mga dahilan at sitwasyon na kumporme sa taong nagtataray at mga taong nagpapahiwatig nito. Nagtataray ang isang tao kapag siya ay napukaw ng ibang tao o pangyayari. Kinakailangang may lakas ng loob ang isang tao upang siya ay makapagtaray. Kahit maganda o hindi ang dahilan at intensyon ng taong nagtataray, karaniwang negatibo ang paraan ng pagpapahiwatig nito.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07230

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

98 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Filipino personality; Psycholinguistics; Swearing; Emotions; Character

This document is currently not available here.

Share

COinS