Di masabi nang deretso: Ang Pilipino at ang di-tuwirang pamamaraan ng pamamahayag
Date of Publication
1991
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Nilalayong mahanap at maintindihan ng pag-aaral na ito ang mga sitwasyon kung saan nagkakaroon ng mga pagkakaiba sa paraan ng pamamahayag ng mga Pilipino. Layunin din ng kasalukuyang pag-aaral na malaman kung anu-ano ang dahilan ng mga Pilipino sa paggamit ng kanilang mga nakasanayang pamamaraan ng pamamahayag. Kasama na rin dito ang pagsusuri kung mayroong pagkakaiba sa pamamaraan ng pamamahayag ang mga kababaihan at mga kalalakihan.Ang paraan ng pamamahayag ng mga nasa kanayunan ang napiling pag-aralan ng mga mananaliksik. Sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan nagsagawa ng pag-aaral na may 301 bilang ng mga kalahok o 20 percent ng buong populasyon ang isinali. Ito ay hinati sa mga sumusunod na barangay: (1) Barangay Poblacion na may 82ng kalahok (2) Barangay Sapang Putol na may 24ng kalahok (3) Barangay Matimbubong na may 41ng kalahok at (4) Barangay Pinaod na may 154ng kalahok.Ginamit ang eksploratoryong disenyo ng pag-aaral. Para naman makakuha ng kinakailangang datos ay gumawa ang mga mananaliksik ng gabay para sa pagtatanong-tanong, ang metodong napiling gamitin, at gumawa ng mga kategorya mula sa mga kasagutang nakamit. Ginamit din ang Chi-square at Percentage-point Difference upang malaman ang kabuluhan ng mga kasagutan.
Abstract Format
html
Language
English
Format
Accession Number
TU05523
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[79] leaves ; Computer print-out.
Keywords
Filipino personality; Communication--Psychological aspects; Psycholinquistics
Recommended Citation
Dimayuga, F. E., Mendoza, J. T., & Odono, M. B. (1991). Di masabi nang deretso: Ang Pilipino at ang di-tuwirang pamamaraan ng pamamahayag. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7659