Karanasan ng kaba at takot sa konteksto ng kuwentong Pilipino

Date of Publication

1997

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa pagbibigay ng panimulang karanasan ng kaba at takot sa konteksto ng kuwentong Pilipino. Tinalakay ang karanasan, epekto, mga terminong kaugnay at solusyon ng kaba at takot. Naging paksa rin ang mga sangkap ng kuwentong nakakakaba at nakakatakot at ang paraan ng pagkukuwento ng mga ito. Dahil dito, ang napiling disenyo ng pag-aaral ay eksploratoryo na ginamitan ng multi-method approach na binubuo ng ginabayang talakayan, pakikipagkuwentuhan, at pagmamasid. Ang mga kuwento ng kalahok ay sinuri sa pamamagitan ng kontent analisis. Ang sampung kalahok na galing sa Balayan, Batangas ay napili sa pamamagitan ng nilalayong pagsasampol. Mula sa nakuhang resulta ay nakabuo ng analitikal na balangkas ang mga mananaliksik. Nakita sa mga datos na ang karanasan ng kaba at takot ay magkaiba. Ang takot ay isang emosyong may kasunod na reaksyon ngunit ang kaba ay isang emosyon na maihahantulad sa state anxiety , anticipatory anxiety , at panic attack . Dahil sa magkaiba ang karanasang kaba at takot, magkaiba rin ang mga nilalamang sangkap ng kuwentong nakakakaba at nakakatakot, at pati na rin ang paraan ng pagkukuwento.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07770

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

161 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Fear; Emotions; Anxiety; Horror; Storytelling

This document is currently not available here.

Share

COinS