Mga sitwasyong ginagamitan ng pakikiramdam at ang iba't-ibang pamamaraan ng pakikiramdam sa konteksto ng pamilyang Pilipino
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga sitwasyong ginagamitan ng pakikiramdam at ang iba't-ibang pamamaraan ng pakikiramdam sa pakikipag-ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya. Gumamit ng gabay na katanungan at paksa para sa tatlong katutubong pamamaraan ng pananaliksik sa paglikom ng datos. Ito ay ang ginabayang talakayan at pagtatanong-tanong. Ang paraan ng pagpili ng mga kalahok ay ang non-probability purposive-convenient sampling . Ang mga nagsilbing kalahok para sa mga metodong nabanggit ay mga ama at ina na 35-60 taong gulang at mga anak na lalaki at babae na 15-25 taong gulang. Nabibilang ang bawat kalahok sa nukleyar na pamilyang Pilipino na pumapaloob sa gitnang antas ng sosyo-ekonomikong estado. Binubuo ng 5 kalahok ang bawat homogenous na grupo (grupo ng ama, grupo ng ina, grupo ng anak na lalaki, grupo ng anak na babae). Nagkaroon naman ng 60 kalahok (15 na ama, 15 na ina, 15 na anak na lalaki, 15 na anak na babae) sa metodong pagtatanong-tanong. Batay sa mga nalikom na datos, hinati sa 5 na kategorya ang mga sitwasyong ginagamitan ng pakikiramdam. Ang mga kategoryang ito ay ang Para sa Ikatutupad ng Sariling Hangarin, May Kanais-nais na Naganap, May 'Di Kanais-nais na Naganap, May Gustong Patunayan, Iba. Gumawa din ng isa pang kategorya para sa mga taong hindi gumagamit ng pakikiramdam sa loob ng pamilya. Sinuri rin ang mga datos ayon sa labing-apat na relasyong kabilang sa pag-aaral. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang kategoryang lumabas sa bawat ugnayan ay ang May 'Di Kanais-nais na Naganap. Ang pinakamadalas na pamamaraan ng pakikiramdam na ginagamit ay ang tahimik o walang kibo.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06795
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
173 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Family; Communication--Psychological aspects; Interpersonal communication; Nonverbal communication (Psychology)
Recommended Citation
Agustin, E. C., Jacinto, M. D., & Paredes, A. J. (1995). Mga sitwasyong ginagamitan ng pakikiramdam at ang iba't-ibang pamamaraan ng pakikiramdam sa konteksto ng pamilyang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7575