Ang konsepto ng karapatang pantao ng sampung magsasaka sa pamayanang Balbalunga Lupao, Nueva Ecija
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Nilayong pag-aralan ng mga mananaliksik ang konsepto ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na suliranin: anu-ano ang mga karapatang pantao sa pananaw ng mga magsasaka sa Baranggay Balbalungao, Nueva Ecija, anu-ano ang mga pamamaraan ng pangangalaga ng mga karapatan, paano nakikita ang mga karapatan sa isang tao, anu-ano ang mga nagagawa kapag ang mga ito ay nasusupil o nalalabag.
Kinuha ang mga kasagutan para sa suliranin sa pamamagitan ng katutubong mga metodo ng pagtatanong-tanong, pakikipanuluyan, at talakayan, na ipinaloob sa isang eksploratoryong disenyo ng pananaliksik. Ang talakayan ay naganap bilang isang instrumento ng paglikom ng mga datos at bilang isang paraan na rin ng pag validate ng mga naunang datos. Gumamit ng purposive sampling ang mga mananaliksik upang makamit ang mga ninanais na kalahok. Ginamit ang purposive sampling sapagkat, nais lamang pag-aralan ng mga mananaliksik ang mga kalahok na wala pa masyadong karanasan o kaalaman sa mga paraan ng pulitika, at mga naisulat tungkol sa karapatang pantao.
Lumabas sa pag-aaral na ito ang karapatang pantao ay may tatlong aspeto, na kung saan ang pinakamahalagang karapatan sa lahat, ayon sa mga kalahok, ay ang kaligtasan, na kung saan, ito ang nagiging dahilan ng matinding pangangalaga. Napag-alaman din sa pag-aaral na ito na ang pangangalaga sa karapatan ay mayroong dalawang pamamaraan. Ang una ay ang di-tuwiran at ang ikalawa ay ang tuwiran. Na ang pinakamadalas gamitin na pamamaraan ay ang di-tuwiran, lalung lalo na ang pakikipagkapwa-tao. Natuklasan din na ang mga karapatan ay maaaring malabag sa pisikal, pasalita at ibang paraan tulad ng pang-aabuso sa kapangyarihan, pautang, at hiwalayan ng asawa. Maaari namang makagawa ng mga pisikal, pasalita, o walang magawa ang mga kalahok bilang reaksiyon o sagot sa pagkakalabag ng kanilang mga karapatan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07707
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
126 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Human rights; Farmers--Nueva Ecija; Interpersonal relations
Recommended Citation
Concepcion, J., Mabilog, J., & Puertollano, R. (1996). Ang konsepto ng karapatang pantao ng sampung magsasaka sa pamayanang Balbalunga Lupao, Nueva Ecija. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7400