Epekto ng tatlong mapanghikayat na pakikipagkomunikasyon sa pananaw ukol sa paggamit ng condom para sa safe sex

Date of Publication

1994

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Sa pag-aaral na ito ay inalam ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga kalahok ukol sa paggamit ng condom at kung anong pinakaepektibong pamamaraan ng mapanghikayat na pakikipagkomunikasyon ang makakapagpabago sa kanilang pananaw. Sinuri din kung ang epekto ng pamamaraan ng komunikasyon ay may pagkakaiba kung isasaalang-alang ang kasarian (lalaki at babae) at gulang (18-22 at 23-24). Non-equivalent pre and post serbey control group ang disenyo ng pag-aaral. Idinaos ang pananaliksik ng tatlong sunud-sunod na linggo sa tatlong barangay sa Cuenca, Batangas at 540 kalahok na walang asawa, nabibilang sa mababang antas ng lipunan, may gulang na 18-34, lalaki man o babae ang pinasagot ng pre at post sarbey. Bago bigyan ng post sarbey ay inilantad muna ang mga treatments--leaflet at komiks, pampublikong pag-aanunsiyo at dulang pangkalye, isa bawat barangay.Mula sa ginawang pag-aaral, napatunayang may positibong pananaw na ang mga tao sa Cuenca, Batangas tungkol sa paggamit ng condom sa pagbibigay ng preserbey. Napagtibayan din ang haypotesis at mga pag-aaral noon na ang dulang pangkalye o harap-harapang pakikipagkomunikasyon ang pinakaepektibo sa pagbabago ng pananaw hinggil sa paggamit ng condom. Ito ay tumutukoy sa awdyobiswal na paraan kung saan dalawang senso ang naaapektohan. Sa significant level na .05, may pagkakaiba ang epekto ng mapanghikayat na komunikasyon sa pangunahing epekto at ng pinag-ugnay ang mga baryabol. May kaugnayan ang kasarian at ang mga pamamaraan ng mapanghikayat na komunikasyon sa pagbabago ng pananaw ukol sa paggamit ng condom.

Mas malaki ang pagbabago sa mga babae kaysa lalaki. Nang pinag-ugnay ang dalawang baryabol, may pagbabago ang epekto ng pamamaraan ng mapanghikayat na komunikasyon kung isasaalang-alang ang kasarian ngunit hindi sa gulang. Hindi significant ang gulang sa pangunahing epekto at ng pinag-ugnay ito.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06325

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

123 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Condoms; Sexual ethics; Sex (Psychology); Persuasion (Psychology); Communication--Psychological aspects; xx1 Male contraceptive

This document is currently not available here.

Share

COinS