Ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino
Date of Publication
1995
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ibig malaman ng pag-aaral na ito ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino. Tinalakay ng papel na ito ang layunin at uri ng pagpapatawa ng mga kabataang nasa iba't-ibang antas pang-sosyo-ekonomiko. Napag-alaman sa papel na ito ang kaibahan ng mga kabataan mula sa mababa, gitna, at mataas na antas pang-sosyo-ekonomiko sa kanilang layunin na pagpapatawa. Gayun pa man, nalaman din ang pagkakatulad ng mga kabataan mula sa iba't-ibang antas, pagdating sa uri ng pagpapatawa. Nakipagkwentuhan ang mga mananaliksik sa 10 grupo ng kabataan na may edad na 13 hanggang 21, mula sa iba-'t-ibang antas pang-sosyo-ekonomiko. Ginawang batayan ang paaralan ng mga kalahok sa pagdetermina ng kanilang antas. Ang pampublikong paaralan ay pinalagay na nasa mababang antas, ang karaniwang unibersidad o kolehiyo bilang gitna, at ang isang kilala at pribado o eksklusibong pamantasan ang sa mataas na antas. Ang paggamit ng katutubong metodo ng pakikipagkwentuhan ay hindi gaanong naisakatuparan, bagkus kumuha lamang ng ilang aspeto sa metodong ito, gaya ng pakikipag-palagayang-loob at impormal na pagsasalaysay ng opinyon ng kalahok. Tinangka na makabuo ng konsepto ng pagpapatawa ng kabataan ngunit dahil sa hindi masyadong malawak ang pag-aaral, nakakalap na lamang ng layunin at uri ng pagpapatawa ng mga kabataang kalahok.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06817
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
92 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Concepts; Youth, Filipino; Humor; Joking
Recommended Citation
Constantino, G. P., Encarnacion, M. P., & Palomar, C. B. (1995). Ang konsepto ng pagpapatawa ng kabataang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7079