Konsepto ng pagkababae

Date of Publication

1994

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay sumisiyasat sa konsepto ng pagkababae ng mga Pilipinong lalaki at babae, taga-lungsod at taga-lalawigan, binata't dalaga at matanda, at mga taong nagmula sa mababa, gitna, at mataas na antas pangsosyo-ekonomiko. Tiningnan din ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng konsepto ng pagkababae ayon sa apat na nabanggit na baryabol.Convenience sampling ang ginamit sa pagpili ng lugar na pinagsagawaan ng pag-aaral. Napili ang Brgy. San Gregorio at Brgy. San Pedro ng Nueva Ecija upang kumatawan sa lalawigan, at Brgy. 169 ng Malibay, Pasay at Brgy. 784 ng Sta. Ana, Manila upang kumatawan sa lungsod. Ang 720 na kalahok ay napili sa pamamagitan ng pagra- random sampling . Gumamit ng Survey Questionnaire ng Social Weather Station upang malaman ang antas pangsosyo-ekonomiko ng bawat kalahok. Ang metodong sarbey at pakikipagkuwentuhan ay isinagawa ng mga mananaliksik upang makakuha ng datos sa konsepto ng pagkababae ng mga kalahok. Ginamit sa pagsusuri ng datos mula sa sarbey ang frequency count at pagsusuma sa mga ranggo. Nagsagawa naman ng pag-aanalisa sa mga nilalaman para sa mga datos na nalikom mula sa pakikipagkuwentuhan. Batay sa mga resulta, ang maamong mukha, hanggang balikat ang buhok, malinis ang pangangatawan, ayon sa okasyon manamit, di-nakabukaka umupo, mahinhin maglakad, malumanay magsalita, kumportable makiharap sa ibang tao, mapagmahal at isip at damdamin ang ginagamit sa pag-iisip ang lumabas na konsepto ng pagkababae ng mga Pilipino. Halos magkakahalintulad at walang gaanong pagkakaiba ang konsepto ng pagkababae ayon sa apat na baryabol.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06608

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[157] leaves ; Computer print-out.

Keywords

Concepts; Virginity; Women--Social conditions; Sex role; Rural women; Urban women; Age groups

This document is currently not available here.

Share

COinS