Ang kalungkutan ng mga bata: Konsepto, sanhi, at manipestasyon

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Pinag-aralan sa pananaliksik na ito ang konsepto, sanhi at manipestasyon ng kalungkutan sa mga piling batang Pilipino na may edad mula siyam (9) hanggang labing-dalawa (12). Pinagtuunan ng pansin ang dalawang salik na uri ng pamilya at kasarian. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga kalahok. Sa kabuuan ay mayroong tatlumpu't-tatlong (33) na batang kalahok at walong (8) matatandang kalahok. Ang bilang naman ng kalahok na mula sa uri ng pamilya ay labing-siyam (19) para sa buong pamilya at labing-apat (14) naman mula sa di-buong pamilya. Ang ginamit na metodo ay ang pakikipanayam. Ang mananaliksik ay gumamit din ng tape recorder habang nakikipanayam. Ang pagsusuring ginamit ay ang content analysis . Sa pamamagitan nito ay bumuo ng mga kategorya na siyang naglarawan sa konsepto, sanhi, ay manipestasyon na ukol sa kalungkutan. Ginamit ang disenyong paggagalugad. Mula sa sagot ng mga kalahok, napag-alaman na ang kalungkutan ay naiuugnay sa iba't-ibang termino. Ang sanhi ay mula sa mga sitwasyon. Ito ay hindi nakikita bilang katangian ng isang tao. Wala gaanong pagkakaiba sa sagot ang mga bata ayon sa uri ng pamilya at kasarian.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU06822

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

112 numb. leaves ; Computer print-out.

Keywords

Concepts; Family; Loneliness; Children, Filipino

This document is currently not available here.

Share

COinS