Ang konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino
Date of Publication
1992
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino. Binigyang pansin nito ang apat na lunang ginagalawan ng mga bata -- pamilya, paaralan, komunidad, at barkada. Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa tatlong paaralang nagrerepresinta ng tatlong antas pangsosyo-ekonomiko--mababa, gitna, at mataas na antas. Ang mga kalahok na ito ay mga batang lalaki't babae na 7-8 at 11-12 na taong gulang na napili sa pamamagitan ng stratified random sampling . Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo. Dalawang metodo ang ginamit sa paglakap ng datos -- ang pakikipagtalakayan at ang sarbey. Sinuri naman ang mga nalakap na datos sa pamamagitan ng content analysis at paggawa ng percentage table . Mula sa kasagutan ng mga kalahok, napag-alaman na ang kanilang pananaw ukol sa pandaraya ay nagpapahiwatig ng pagiging masama nito tulad din ng paghusga nila sa madadayang pagkilos na natutuon sa sidhing masama at masamang-masama. Nakita rin na ang pangkaraniwang konsepto ng lahat ng mga kalahok sa pandaraya ay ang pagkuha ng gamit ng iba. Napag-alaman pa na epektibo ang mga baryabol na edad at antas pangsosyo-ekonomiko sa pagbuo ng konsepto ng mga bata ukol sa pandaraya ngunit ang baryabol na kasarian naman ay hindi gaanong makabuluhan. Nalaman din na ang pagkaka-iba-iba ng konsepto ng mga kalahok ay umaayon sa lunang tinatalakay.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU05785
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
136 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Concepts; Children, Filipino; Cognition in children; Deception; Morality
Recommended Citation
Co, B. C., Dy, G. N., & Tejada, N. A. (1992). Ang konsepto ng pandaraya mula sa pananaw ng mga batang Pilipino. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/7074