Kalungkutan ng kabataan: Isang diskriptibong pag-aaral sa depresyon

Date of Publication

1997

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang diskriptibong pag-aaral na ito ay nakatuon sa depresyon/kalungkutan ng mga kabataang Pilipino na may edad mula labintatlo (13) hanggang labing-anim (16). Pinag-aralan nito ang mga sanhi o etiolohiya ng kanilang depresyon at pinagtuunan din ng pansin ang mga palatandaang (naiisip, nararamdaman, ikinikilos) kanilang napapansin tuwing sila ay nakararanas ng depresyon. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng convenience sampling sa pagpili ng mga kalahok. Sa pangkalahatan, mayroong tatlumpu't dalawang (32) adolesent o kabataang kalahok. Napag-alaman ang mga tugon ng mga kalahok sa pamamagitan ng metodong open-ended na serbey. Ang pagsusuring ginamit ay ang content analysis at sa pamamagitan nito ay bumuo ng mga kategorya na siyang naglalarawan sa mga sanhi at palatandaan ng depresyon ng mga adolesent. Mula sa mga kasagutan ng mga kasapi, napag-alaman na ang sanhi nito ay suliranin ng indibidwal sa sarili at sa pakikitungo niya sa iba. Para sa sarili, ang mga naging kategorya ay kalusugan, pinansyal, pag-aaral, negatibong pananaw sa sarili, at libangan. Ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig naman ang pinanggalingan ng depresyon ng adolesent sa kanyang pakikitungo sa iba. Nagpapamalas din siya ng mga palatandaang nagpapatunay o nagpapahiwatig na siya ay nalulungkot. Nahati ito sa naiisip, nararamdaman, at ikinikilos. Ang mga kategoryang nabuo sa ilalim ng naiisip ay ang pag-iisip ng paraan upang maalis ang depresyon at ang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Sa nararamdaman naman, ang mga kategorya ay kawalan ng sigla, pagkainip, pagkainis, at kagustuhan o di-kagustuhan na kasama. Ang mga kategorya naman sa ilalim ng ikinikilos ay ang pagkabigla-bigla ng kilos, kawalan ng konsentrasyon, pananamlay, paglilibang, pagpapakita/paghahayag ng nararamdaman o ang hindi pagpapahalata nito, at karahasan.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07755

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

72 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Depression in adolescence; Sadness; Emotions

This document is currently not available here.

Share

COinS