Ang pagsisinungaling ayon sa mga kabataang Pilipino

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang eksploratoryong pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsisinungaling ng mga kabataang Pilipino. Ang pangkalahatang depinisyon at proseso nito (kailan, saan, at kanino), ang depinisyon at mga uri nito ayon sa tatlong baryabol na isinaalang-alang ay binigyang kahalagahan ng mga mananaliksik. Ang mga baryabol ay ang kasarian (babae at lalaki), antas sa mataas na paaralan (una hanggang ika-apat), at ang antas pangsosyo-ekonomiko (mababa at mataas). Napag-alaman ang mga tugon ng mga kalahok sa pamamagitan ng dalawang metodo, ang pakikipagkwentuhan at ang sarbey. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay 336 25 para sa metodong pakikipagkwentuhan at 311 para sa metodong sarbey. Ang mga nakalap na datos ukol sa depinisyon ng pagsisinungaling ay ang hindi pagsabi ng totoo at isang ugaling karaniwan sa tao. Ang mga kabataan ay nagsisinungaling kapag may ninanais silang makamit para sa kanilang sarili, upang maprotektahan ang ibang tao, dala ng takot, dulot ng pagmamalasakit, at ng pagkalito. Sila ay mas madalas magsinungaling sa kanilang mga tahanan partikular na sa kanilang mga magulang.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07095

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

151 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Denial (Psychology); Youth, Filipino; Character; Identification (Psychology); Defense mechanisms (Psychology)

This document is currently not available here.

Share

COinS