Ang proseso ng pagliligawan
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay ukol sa proseso ng pagliligawan ayon sa pananaw ng mga magnobyo, bagong kasal, mag-asawang nasa gitnang gulang, mag-asawang nasa moyor-de edad, at mag-asawang nasa matandang gulang. Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyan linaw ang mga paniniwala ukol sa simula ng pagliligawan, ang pagtatapos nito, ang mga desisyon at salik na kaugnay dito, at ang iniisip, kilos, nararamdaman ng manliligaw at nililigawan sa pagliligawan. Ang mga kalahok ay binuo ng sampung (10) pares ng magnobyo, pitong (7) bagong kasal, pitong (7) mag-asawang nasa gitnang gulang, pitong (7) mag-asawang nasa mayor-de-edad, at pitong (7) mag-asawang nasa matandang gulang. Nagmula ang mga ito sa kakilala't kamag-anakan ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng nilayong pagsampol o Purposive Sampling . Ang metodo ng pananaliksik na ginamit ay ang pakikipanayam. Mula sa mga nalikom na datos, nakabuo ng isang balangkas upang ipakita ang proseso ng pagliligawan. Lumabas na ang pagliligawan ay isang prosesong nagsisimula sa pagpapakita ng manliligaw ng kakaibang klase ng atensyon sa nililigawan. Hindi ito nagtatapos sa kahit anong yugto ng pagrerelasyon. Ang desisyon na ginagawa ay hindi gaanong naiiba sa bawat yugto ngunit ang salik na pumapaloob dito ay depende sa panahon na kinagisnan. Ang lalaking manliligaw ay lumalabas na mas aktibo ang papel sa yugto bago makuha ang Oo , ngunit ito ay nagiging two-way din naman pagkatapos ng panahong nabanggit.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07700
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
143 leaves ; Computer print-out.
Keywords
Courtship; Dating (Social customs); Mate selection; Interpersonal relations
Recommended Citation
Brinas, D. P., Ramirez, R. M., & Ty, L. N. (1996). Ang proseso ng pagliligawan. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6841