Bakit ako mahihiya: Isang pag-aaral ng konsepto ng hiya sa konteksto ng pagpapalaki ng anak

Date of Publication

1996

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang maliwanagan ang konsepto ng Hiya sa konteksto ng pagpapalaki ng anak. Buhat sa mga pagbabalik aral sa kaugnay na literatura, napagalaman na malaki ang nagiging impluwensiya ng hiya sa katauhan ng isang tao. Para sa pananaliksik na ito, ang mga punong suliranin na binigyang tuon ay ang mga sumusunod: 1. Paano ginagamit ang hiya ng mga magulang sa iba't-ibang SES sa tatlong sistema ng komunikasyon? 2. Paano ito ginagamit sa tatlong unang antas na debelopmental? 3. Sa anu-anong mga sitwasyon ginagamit ang hiya? 4. Ano ang dahilan ng paggamit nito? 5. Ano ang naidudulot nito sa panloob at panlabas na pakuldad ng tao? Ang mga kalahok ay binubuo ng 21 na mga adolesents para sa malalimang pakikipanayam at 30-42 na mga magulang para sa FGD mula sa tatlong SES. Ang mga kalahok ay kinuha sa pamamagitan ng paggamit ng Purposive Sampling Referal method. Napagalaman na mas mataas ang SES ng magulang, mas gumagamit ng berbal habang, mas mababa ang SES, mas gumagamit ng di berbal na pamamaraan. Napag-alaman din na gumagamit ng direktang pagpapahatid ng hiya ang mga magulang kapag walang tao. Gumagamit naman ng hind direktang pagpapahatid ng hiya kapag may ibang tao. Base rin sa pagsusuri ng mga datos, napag-alaman na ang puno't dulo ng paggamit ng hiya ay ang pansariling kahihiyan ng magulang.

Abstract Format

html

Language

English

Format

Print

Accession Number

TU07709

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

113 leaves ; Computer print-out.

Keywords

Bashfulness; Timidity; Emotions; Embarrassment; Child rearing; Personality and culture

This document is currently not available here.

Share

COinS