Antas ng motibasyong pang-atsibment ng mga babae at lalaking may kapansanan na nagmula sa mababa, gitna at mataas na sosyo-ekonomikong antas
Date of Publication
1994
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, inalam ng mga mananaliksik ang antas ng motibasyong pang-atsibment ng mga taong may kapansanan na nagmula sa iba't ibang antas pangsosyo-ekonomiko. 102 ng babae at lalaking may pisikal na kakulangan (51 ay babae, at 51 din ay lalaki) ang nakasali sa pag-aaral na ito.Ang panukat na ginamit ay ang Trait Survey (Mattakotil, 1976). Ang sosyo ekonomikong antas ng mga kalahok ay sinukat sa pamamagitan ng Survey Questionnaire na hango mula sa Social Weather Stations (1989) at inayon sa kriterya ng Total Research Needs (TRENDS). Pagkatapos pasagutan ang Trait Survey ay kumuha sa pamamagitan ng random na pagpili ng 6 na kalahok (3 sa bawat kasarian na pumapailalim sa mababa, gitna at mataas na antas pangsosyo-ekonomiko) para sa interbyu. Ang mga datos na nakuha mula sa Trait Survey ay sinuri sa pamamagitan ng paggamit ng Two-way ANOVA, at ang datos naman na nakuha sa interbyu ay itinala sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman nito. Batay sa mga resulta, napag-alamang ang sosyo-ekonomikong antas ay nakakaapekto sa antas ng motibasyong pang-atsibment ng mga taong may kapansanan F(2,96) = 3.09, p .05. Ang kasarian ay walang makabuluhang epekto sa antas ng motibasyong pang-atsibment ng mga taong may kapansanan (F(1,96) .05. Mayroong epekto ang interaksyon ng sosyo-ekonomikong antas at kasarian sa antas ng motibasyong F(2,96) = 3.09, p , .05.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU06603
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
101 numb. leaves ; Computer print-out.
Keywords
Achievement motivation; Motivation (Psychology); Handicapped--Socioeconomic status; Physically handicapped--Psychology; Self-concept
Recommended Citation
Bacong, S. G., Marasigan, J. D., & Oducado, N. F. (1994). Antas ng motibasyong pang-atsibment ng mga babae at lalaking may kapansanan na nagmula sa mababa, gitna at mataas na sosyo-ekonomikong antas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/6139