Ang paggamit ng modelong context input process product sa pagtataya ng mga programa ng Virlanie Foundation, Inc.
Date of Publication
1997
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Nakatuon and pag-aaral sa pagtataya ng isang center na tumutulong sa mga batang lansangan. Ginamit ng mga mananaliksik ang modelo ni Daniel Stufflebeam na Context Input Process Product (C-I_P-P) sa pagtataya sa programa ng institusyon. Ang napiling institusyon ay ang Virlanie Foundation, Inc. na may layuning tumulong sa mga batang lansangan sa pamamagitan ng mga serbisyo at programa nito na ibinatay sa mga pangangailangan ng mga bata. Mayroong programang pang-center based, street based at community based and VFI. Ayon sa programang stret based, ang mga street educators ay humihikayat ng mga bata sa lansangan upang subukan ang buhay sa loob ng center. Ang programang Community based ay ang pagtulong sa buong komunidad at pagtuturo ng mga mahahalagang impormasyon upang maiwasan ang pagdami ng mga bata. Ang mga programang center based lamang ang tinuunan ng pansin ng pagtataya. Ipinahayag sa isang deskriptibong paraan ang pagtataya. Hahanapin ang mga sumusunod: para sa Konteks, ay ang misyon, pangarapin, layunin, hangarin at dahilan ng pagkakatatag ng VFI; sa Input, ay ang mga profile ng parehong bata at pamunuan, at ang mga ehensiyang nakikipag-ugnayan sa VFI; sa proseso, ay ang pagiging epektibo ng programa na tatayain sa pamamagitan ng pagsusuri sa serbisyo at uri ng pamamalakad, at; sa produkto, ay ang mga pagbabagong naidudulot ng mga programa sa pag-uugali at uri ng pamumuhay. Isinagawa ito sa pamamagitan ng metodong sarbey at ng katutubong pamamaraan ng pananaliksik na pakikipag-palagayang loob. May dalawang uri ng instrumento, Sarbey A para sa pamunuan at Sarbey B - para sa mga bata. Pagkatapos lumikom ng datos ay itinala ang mga iskor, kinuha ang antas, at pangkabuuang iskor. Napag-alaman sa Konteks na natutugunan ng mga hangarin ng VFI ang pangangailangan ng mga batang lansangan. Naipakilala naman sa Input ang profile ng mga kawani at ng mga batang nasa ilalim ng programa ng VFI. Dagdag pa rito ang mga ahensiya na nakikipag-ugnayan sa institusyon. Ang Proseso ay nagsasaad ng pagiging sapat ng mga serbisyong ibinibigay ayon sa persepsyon ng mga bata at pamunuan. Ipinahayag sa bahaging ito ng mga pamunuan ang mga problemang kanilang nararanasan, ang mga rekomendasyon upang mapabuti ang programa at ang mga katangian ng mga programa na kailangan baguhin o ipagpatuloy. Lumabas sa Produkto ang pag-sang-ayon ng mga kawani sa mga epekto ng serbisyo sa mga pag-uugali at sa uri ng pamumuhay ng mga bata.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU08621
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
264 numb. leaves; computer print-out (photocopy)
Keywords
Children -- Institutional care; Foundations; Child care; Foster home carre; Orphanages; Public welfare; Social service
Recommended Citation
Dequina, J., Merritt, M., & Santos, M. (1997). Ang paggamit ng modelong context input process product sa pagtataya ng mga programa ng Virlanie Foundation, Inc.. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5839