Pamilyang Pinoy wannabes: Isang pagsusuri sa imahen ng pamilyang Filipino kaugnay ng diaspora sa mga dula ng Pinoy wannabes

Date of Publication

2007

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

South and Southeast Asian Languages and Societies

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

John Enrico C. Torralba

Defense Panel Member

Ernesto Carandang, II
Armi Rosalia Zamora

Abstract/Summary

Ang pamilya at ang teatro ang dalawang aspekto nitong tesis na ito, parehong malapit sa puso ng mga nagsagawa nitong pag-aaral. Sa kabuohan ng pag-aaral na ito, natutunan din mabuksan ang mga isip sa isang penomenong nararanasan ng bayan at ng mga bumubuo nito, tulad ng lipunan, maging ng parehong mga nanaliksik nito sa kani-kanilang pamilya, ang diaspora o ang pangingibang bansa ng karamihang Filipino.

Ang tesis na ito, sa layuning makapag-bigay ng isang makabagong imahen at kahulugan, iba sa tradisyonal na konsepto ng pamilya, ay isang pag-aaral sa pamilyang Filipino kaugnay ng penomenong diaspora. Sa ganitong pokus o pagbibigay diin ng tesis sa paksang napili, pinag-aralan ang mga materyal na makakapag-bigay tukoy sa tradisyonal na konsepto ng pamilyang Filipino, maging ang mga nakasanayan na hanggang ngayon at naipapamalas ng makasalukuyang pamilya. Sa aspektong diaspora na siyang tinukoy sa pag-aaral na ito na may kahalagahan sa pagkakaroon ng epekto at pagbabago sa konsepto ng pamilyang Filipino, pinag-aralan ang penomenong ito gamit ang teksto ng mga dula ng Pinoy Wannabes, isang produksyon ukol sa diaspora ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Sa pag-aaral na ito, ginamit ang isang sosyolohikal na teorya, ang symbolic-interactionism. Ito ang naging gabay sa pag-aaral at pagtalakay ng mga mananaliksik sa kanilang materyal, ang teksto ng limang dula ng Pinoy Wannabes, sa mga interaksyong naganap sa pagitan ng mga tauhan, at pati na rin sa mga simbolong ipinapahiwatig sa loob ng mga dula na naiaayon sa usaping pamilya. Ginamit ang teoryang nabanggit sa mga dayalogo ng mga tauhan, mga deskripsiyong nakasaad ng mga awtor, ang kabuohan ng natatawag na script, na siyang materyal na binigyang konsentrasyon sa pag-aaral ng diaspora at ang relasyon nito sa pamilyang Filipino.

Ang kabuohang proseso sa ginawang pananaliksik sa pag-aaral na ito, gamit ang teoryang symbolic-interactionism sa mga teksto ng mga dula, maging ang naging basehan ng pag-aaral na mga nakapagbigay ng tradisyonal na konsepto ng pamilyang Filipino, ay nakapaghandog kasagutan sa mga gumabay na mga katanungan sa pagganap sa mga layunin nitong pag-aaral. Sa tampok na penomenon mula sa mga dula, ang diaspora, at sa nais ng pag-aaral na ito na mailarawan muli ang pamilyang Filipino kaugnay ng penomenon, nai-grupo ang mga talakayin sa apat. Ang mga ito ay ang mga talakayin ukol sa pamilya kaugnay ang mga relasyon nito, straktura, mga ginagampanang papel ng mga miyembro nito, at ang mga pinapahalagahan nito o ang values ng isang pamilyang Filipino. Napansin dito ang buhay na tradisyonal na konsepto ng pamilyang Filipino ngunit kaugnay ang diaspora, nabigyang pansin ang mga pagbabago sa depenisyon ng tungkulin, obligasyon sa paraan ng pakikutungo sa iba ng isang pamilya at ng mga miyembro nito. Natalakay rin dito ang pagpapasa ng responsibilidad o ginagampanan ng isang miyembro ng pamilya dulot ng diaspora, maging sa pagkilala nito sa tradisyonal na konsepto ng pamilyang Filipino.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU14889

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

110, [19], 54 leaves, illustrations, 28 cm.

Keywords

Families--Philippines, Philippines--Emigration and immigration—Economic aspects; Theater and society--Philippines

Embargo Period

3-29-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS