Paano pinauuso ang uso? Isang pag-aaral sa popularisasyon ng Chinovelang Meteor Garden
Date of Publication
2005
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
South and Southeast Asian Languages and Societies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Raquel E. Sison
Defense Panel Member
Dolores R. Taylan
John Enrico C. Torralba
Abstract/Summary
Isang pag-aaral ito patungkol sa kung paano ginagawang popular and hindi popular dito sa Pilipinas. Nilayong sagutin ang katanungang ito gamit ang Chinovelang Meteor Garden bilang susi sa pagtuklas sa formula at proseso ng pagpapasikat ng isang programa. Sinuri rito ang estratehiya at formulang ginamit ng estasyong ABS-CBN. Makikita na mula sa penomenong Meteor Garden, dumami ang bilang ng angkat na programa mula sa Asya.
Lumabas sa pag-aaral ang apat na pinagsama-samang sangkap na bumubuo sa proseso ng popularisasyon ng Meteor Garden. Isa sa mahahalagang sangkap ang Synergy, o ang malawakang pangangampanya sa pamamagitan ng iba't ibang kasangkapang pangmidya na ginagawa bago pa magsimula ang programa at patuloy na ginagawa kahit na ipinapalabas na ito. Kabilang ang Stars o mga bida at sikat na artista sa palabas, ang pagkakaroon ng Magandang Kwento at ang apropriasyon ng wika o ang pagsalin sa wikang Filipino mula sa banyagang wika upang maintindahan ng Filipino odyens.
Kung ihahanay sa isang matematikal na formula para sa matagumpay na programa, ganito ang kalalabasan: STARS+MAGANDANG KWENTO+WIKA+SYNERGY = HIT = SUCCESS.
Napatunayan mula sa mga nakalap na datos ang extensyon ng popularisasyon ng Meteor Garden at mga pagbabagong naidulot sa topograpiya ng telebisyong Pinoy."
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU14913
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
iii, 158, [173] leaves, illustrations, 28 cm. + 2 computer discs
Keywords
Meteor garden (Television series); Television soap operas--Philippines; Advertising—Television programs
Recommended Citation
Guinto, A. T., & Chua, J. C. (2005). Paano pinauuso ang uso? Isang pag-aaral sa popularisasyon ng Chinovelang Meteor Garden. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5044
Embargo Period
3-29-2021