Pag-aasawa mula noon hanggang ngayon: Isang pagsusuri sa naging dahilan ng mga Pilipino mula sa magkaibang henerasyon sa pag-aasawa
Date of Publication
2009
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Thesis Adviser
Ma. Angeles G. Lapena
Defense Panel Chair
Melissa Lucia L. Reyes
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay tinalakay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng naging kadahilan ng mga Pilipino sa pag-aasawa. Kung saan isinaalang-alang ang henerasyon, kasarian at antas sa lipunan na kinabibilangan ng isand indibidwal. Ang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong disenyo na nagbigay tuon sa animnapu na kalahok. Gamit ang qualitative content analysis, nakita na ang katangian ng isang indibidwal ay may malaking impluwensiya sa kanilang dahilan ng pag-aasawa. Nanaig ang pagmamahal na dahilan sa mga nasa matandang henerasyon at nakabuntis o nabuntis naman na dahilan para sa mga batang henerasyon. Nakita rin batay sa kasarian na ang natural na karakter ng babae at lalaki ay nakakaapekto rin sa kadahilan nila sa pag-aasawa. Kung saan ang mga babae ay tumatakas sa kanilang problema sa pamilya dahil sila ay mahina at pinakita rin na mas seryoso sila sa dahilan nila sa pag-aasawa kumpara sa mga lalaki. Napansin din na hindi na masyadong binibigyang halaga ang pagkakapareho ng antas sa lipunan na kinabibilangan ng papakasalan ng isang indibidwal sa kadahilanan na nagpapakasal sila sa oras na may ipon na sila.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU15013
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
179 leaves, 28 cm.
Keywords
Marriage--Philippines
Recommended Citation
Choy, S. C., & Ngo, T. L. (2009). Pag-aasawa mula noon hanggang ngayon: Isang pagsusuri sa naging dahilan ng mga Pilipino mula sa magkaibang henerasyon sa pag-aasawa. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/5039
Embargo Period
3-29-2021