Pa, mahal kita! Pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga anak na lalaki sa kanilang ama sa iba't-ibang yugto ng buhay-lalaki at gender-role orientation

Date of Publication

2009

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Thesis Adviser

Roberto Mendoza

Defense Panel Member

Ma. Angeles G. Lapena

Abstract/Summary

Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang mga pamamaraan ng pagpapahayag ng pagmamahal at pagpapahalaga ng mga Pilipinong anak sa kanilang mga ama. Sa pagkalap ng datos, kinapanayam ng mga mananaliksik ang 54 kalahok na pinangkat-pangkat ayon sa gender role orientation at yugto ng buhay-lalaki upang malaman kung mayroon nga bang pagkakaiba sa kanilang mga paraan. Gamit ang content analysis, magkahiwaly na bumuo ng tema ang mga mananaliksik saka nila pinaghambing upang maiwasan ang pagkiling.

Lumabas na mayroong munting pagkakaiba sa mga pamamaraan sa iba't-ibang gender role orientation na kinabibilangan nang lumabas ang di-verbal na paraan sa androgynous bukod sa paggalang, pagsuporta at pakikilahok na matatagpuan naman sa ibang oryentasyon. Mayroon ding munting pagkakaiba sa mga paraan sa iba't-ibang yugto ng buhay-lalaki. Bukod sa paggalang at pagsuporta, matatagpuan lamang ang paraang di-verbal sa una at ikalawang yugto habang ang gawaing pakikilahok ay sa ikalawa at huli naman. Sa pangkalahatan, ang mga Pilipinong anak ay nagpapahayag ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang ama sa pamamagitan ng pasuporta at paggalang. Malimit nila itong gawin sa bahay, simbahan at mga mall. Ayon din sa kanila, naipapahayag lang ang mga ganitong saloobin kapag mayroong pagkakataon kasama ang ama.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU15019

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

128 leaves, 28 cm.

Keywords

Fathers and sons--Philippines; Sex role--Philippines

Embargo Period

3-30-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS