Ang paggawa ko ng anak para sa iba: Pag-aaral ng apat na kaso

Date of Publication

1996

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral ay isinagawa upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga taong gumagawa ng anak para sa iba. Tiningnan ang istilo ng kanilang pamumuhay at mga saligan sa kanilang kapaligiran kung mayroon itong koneksyon kung bakit sila ay napasok sa propesyong pagsusurogasya. Ang kanilang mga natamo at nawala bilang isang babymaker ay siniyasat din, kasama ang mga problemang kanilang natamo at kung papaano nila ito nalampasan. Ang proseso ng paggawa, pagbili at pag-order ng sanggol at kung nagkakaroon ng attachment ay binigyan din ng pansin. Ang tingin nila sa kanilang sarili at tingin ng ibang tao at pakikitungo ng mga ito ay hinangad ding malaman. Purposive at chain referral sampling ang ginamit na paraan sa pagpili ng kalahok para sa pag-aaral, sapagkat ito ay pag-aaral ng bawat kaso tungkol sa isang napakasensitibong paksa. Nakakuha ng apat na kalahok lamang dahilan nga sa napakaselan ng paksang pinag-aaralan. Gumamit ng isang gabay para sa malalimang pakikipanayam. Upang lalong mapalalim ang pag-aaral ay ginamit ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik na pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan at pagdalaw-dalaw hanggang sa maabot ang pakikipagpalagayang loob sa pagitan ng mananaliksik at mga kalahok. Sa pagsusuri ng datos, ginamitan ng pagsusuri ng nilalaman ang mga datos mula sa ginanap na mga pakikipanayam sa eksploratoryong pagaaral na ito. Batay sa resultang nalikom, nakita na ang mga babymaker ay nabubuhay sa paglalabada, pagtitinda at pagtratrabaho sa gabi bilang isang prostityut dagdag sa trabahong paggawa ng anak para sa iba. Ang proseso ng pag-order ng bata na sinunod sa bawat kasong napag-aralan ay pare-pareho, ngunit ang halaga ng bawat isang bata ay magkakaiba. Lahat ng kalahok ay nakatanggap ng suporta sa paraan ng pera at mga iba't-ibang pagkain. Isang bagay lamang ang nawala sa kanila - ang sanggol na ibinenta, at ang kanilang natamo ay suporta galing sa mga taong nag-order ng bata. Masasabing batay sa mga resultang ito na ang dahilan kung bakit sila ay pumasok sa prop

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07717

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

105 leaves ; Computer printout

Keywords

Surrogate mothers--Psychology; Surrogate mothers--Philippines--Social conditions

Embargo Period

1-24-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS