Ang katamaran ayon sa Filipino at Filipino-Tsino na mag-aaral ng De La Salle University
Date of Publication
1998
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay ukol sa konsepto ng katamaran mula sa pananaw ng Filipino at Filipino-Tsino. Nilayon ng papel na ito na mapag-alaman kung ano ang manipestasyon, inaakalang sanhi, at kahinatnan ng katamaran sa iba't-ibang konteksto. Ginamit ang metodong pakikipagkwentuhan bilang pangunahing instrumento sa pagkuha ng datos. Ang mga kalahok ay kinuha sa pamamagitan ng purposive sampling ang kabuuang bilang ng kalahok ay dalawampu (20) na pawang mag-aaral ng De La Salle University. Lima (5) dito ay Filipino na babae, limang (5) Filipino na lalaki, limang (5) Filipino-Tsino na babae, at limang (5) Filipino-Tsino na lalaki. Ginamit ang pagsusuri ng nilalaman (content analysis) sa pagsuri ng datos. Ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga kategorya at pinagsamasama ang mga datos na may parehong tema. Mula dito gumawa ang mga mananaliksik ng bilang (Frequency count) at kinuha ang porsiyento nito upang makita ang mga pangunahing manipestasyon, inaakalang sanhi at kahinatnan ng katamaran at ng sa gayon makita kung mayroong pagkakaiba at/o pagkakatulad sa konsepto ng katamaran. Mula sa kasagutan ng kalahok, napag-alaman na ang kanilang nangungunang manipestasyon ng katamaran ay ang pagiging absent o late at ang hindi paggawa ng gawain. Ang pagkakataon naman ng ibang pinagkakaabalahan ay ang nangungunang sanhi. Natuklasan na laging nakakagalitan ang taong tamad na nagsisilbing pangunahing kahinatnan ng katamaran. Napagalaman din na walang pagkakaiba ang konsepto ng katamaran ng kalalakihan at kababaihan. Kung may pagkakaiba man hindi ito gaanong nagkakalayo. Sa kabilang dako halos magkatulad din ang pananaw ng mga Filipino at Filipino-Tsino ukol sa konsepto ng katamaran.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU08610
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
198 leaves ; Computer printout
Keywords
Laziness
Recommended Citation
Chan, H. D., & Lam, E. T. (1998). Ang katamaran ayon sa Filipino at Filipino-Tsino na mag-aaral ng De La Salle University. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4023
Embargo Period
1-29-2021