Ang pagtingin ng biyenang babae sa kanyang anak at manugang
Date of Publication
1998
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pagtingin ng biyenang babae sa kanyang anak at manugang. Isinaalang-alang sa pag-aaral na ito ang apat na salik na maaaring maka-impluwensya sa nagiging pagtingin ng biyenan sa mag-asawa. Ang mga salik na ito ay ang pagganap ng mag-asawa ng kani-kanilang papel sa pamilya base sa kasarian, ang pinansyal na sitwasyon ng biyenan, ang lapit ng kanyang tirahan sa mag-anak, at ang lawak ng kanyang impluwensya sa pagpapatakbo ng mag-asawa sa kanilang pamilya. 32 biyenang babae ang lumahok sa pag-aaral na ito at sila ay dumaan sa isang malalimang pakikipanayam. Sa pamamagitan ng maka-Pilipinong metodo na pakikipagpalagayang-loob, nakapangalap ng datos ang mga mananaliksik ukol sa pokus ng pag-aaral na ito. Ginamit ang content analysis para sa pagkuha ng resulta. Sa pag-aaral na ito, napag-alaman na mas maraming mga biyenang babae ang may mabuting pagtingin sa kanyang anak at manugang. Napagalaman din na may kaugnayan ang apat na salik sa nagiging pagtingin ng biyenang babae sa mag-asawa. Nagbigay din ang mga kalahok na may hindi mabuting pagtingin sa mag-asawa ng mga hakbang na nagawa na nila o isinasagawa pa lamang para sa ikagaganda ng kanilang samahan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU08624
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
182 leaves ; Computer print-out
Keywords
Mothers-in-law and daughters-in-law; Mothers and daughters; Mothers and sons
Recommended Citation
Eusebio, T. M., & Timbre, M. T. (1998). Ang pagtingin ng biyenang babae sa kanyang anak at manugang. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/4021
Embargo Period
1-29-2021