Ang konsepto ng pagtatampo sa tatlong yugto ng buhay

Date of Publication

1995

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts Major in Psychology

Subject Categories

Psychology

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Psychology

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa konsepto ng pagtatampo. Nilalayon ng papel na ito na mapag-alaman kung ano ang kahulugan ng pagtatampo, ano ang mga sanhi ng pagtatampo, ano ang mga paraan upang ito ay mawala, at ano ang mga pagkakaiba at pagkakahalintulad ng pagtatampo sa mga bata, kabataan, at matatanda. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo na kung saan ay inilalarawan ng mga mananaliksik ang mga iba't ibang sanhi at paraan upang mawala ang pagtatampo. Tatlong grupo ng mga kalahok ang nakasama sa pag-aaral, una ay ang mga batang mag-aaral sa elementarya sa Malate Catholic School, ikalawa, ay ang mga kabataang estudyante na dumaraan sa United Nations Avenue, at ang ikatlo ay ang mga matatanda na mula sa slum area ng Annapolis, Cubao. Gumamit ang mga mananaliksik ng iba't-ibang metodo sa pagkuha ng mga datos. Para sa mga bata, sila ay gumamit ng metodong pakikipagkuwentuhan, sa mga kabataan, ang metodong pagtatanong-tanong, at metodong Talakayang Nakatuon sa Pangkat naman ang ginamit sa mga matatanda. Matapos makalap ang mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng paraang content-analysis upang maanalisa ang mga ito. Nakagawa ang mga mananaliksik ng limang kategorya na sanhi ng pagtatampo, ito ay ang mga sumusunod: winalang bahala, hindi pinagbigyan, may pinaboran, hindi makatarungan, at panlilinlang. Nakabuo rin ang mga mananaliksik ng apat na kategorya na paraan upang mawala ang pagtatampo. Ito ay ang pagbibigay-atensyon, pagpapaumanhin/pagpapaliwanag, tagal ng pahanon, at pinagbati. Upang magkaroon ng katatagan ang pagkategorya ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng paraan na Q-sort. Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang pinakamadalas na sanhi ng pagtatampo sa mga bata ay ang pagsasawalang bahala at ito ay madalas nilang nararanasan sa kanilang mga magulang. Para sa mga kabataan, ang pinakamadalas na sanhi ay ang hindi pinagbigyan at ang madalas na gumagawa sa kanila nito ay ang kanilang mga magulang. Para sa mga matatanda, ang pinakamadalas na sanhi ay ang pagwawalang bahala ng kanilang mga magulang. Para sa mga kabataan, ang pinakamadalas na sanhi ay ang hindi pinagbigyan at ang madalas na gumagawa sa kanila nito ay ang kanilang mga magulang. Para sa mga matatanda, ang pinakamadalas na sanhi ay ang pagwawalang bahala ng kanilang mga anak. Napag-alaman din na ang kahulugan ng pagtatampo ay isang sakit sa damdamin bunga ng hindi pagkakasundo sa isang tao sa bumigo, bumalewala, hindi nagbigay, nanloko, o gumawa ng mga di makatarungang bagay sa kanya.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU07089

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

129 leaves ; Computer printout

Keywords

Resentment; Interpersonal relations; Interpersonal conflict

Embargo Period

1-18-2021

This document is currently not available here.

Share

COinS