Bangungot: Ang katangian ng mga biktima, proseso ng bangungot, at atribusyon ng mga naiwanan ukol dito
Date of Publication
1996
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts Major in Psychology
Subject Categories
Psychology
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Psychology
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailarawan ang kabuuang katangian ng mga biktima, proseso ng bangungot, at mga atribusyon ng mga naiwanang kamag-anak o kakilala ukol dito. Ang disenyong ginamit dito ay ang exploratory-descriptive . Ginamit ang metodong case study dahil ito ang nagpupursiging makapaglarawan, makapagsuri at makapagpaliwanag ng penomenang bangungot. Maliban dito, ang katutubong metodo ng pagtatanung-tanong at pakikipagkuwentuhan ay nagamit din. Nagkaroon ng anim na kaso ng bangungot na kung saan bawat kaso ay kinabibilangan ng mga kamag-anak o kakilala ng biktima. Nakuha ang mga kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng Referral o Snowball sampling. Gumamit ng gabay sa pagtatanung-tanong at pakikipagkuwentuhan, tape rekorder. Sa pag-aaral na ito, napag-alaman na ang kalimitang biktima ng bangungot ay mga kalakihang nasa batang gulang, may matipunong pangangatawan at walang kasaysayan ng ano mang sakit. Natuklasan din ang mga pangyayaring naganap bago, habang, at matapos mabangungot ng mga biktima. Sa mga nasabing pangyayari, nakabuo ang mga kalahok ng mga dahilan o atribusyon sa pagka-bangungot nila. Natagpuan na pinaniniwalaang ang biktima ng bangungot ay maaaring namatay o di-namatay. Sinabing ang pagkakaroon ng masamang panaginip stress at pagod ng katawan pagkain, di pagsunod sa pamahiin at ang di paggising o walang gumising, ang mga pangunahing atribusyong nabuo sa mga namatay. Mula rito ay nakabuo ng mga paraan ng pag-iwas sa penomenang pinag-aarlan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU07231
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
165 leaves ; Computer printout
Keywords
Nightmares
Recommended Citation
Magbag, M. B., & Padilla, M. R. (1996). Bangungot: Ang katangian ng mga biktima, proseso ng bangungot, at atribusyon ng mga naiwanan ukol dito. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/3706
Embargo Period
1-18-2021