Ang sining ng batek ng kalinga: Isang biswal na dokumentasyon sa bagong henerasyon ng mambabatek
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Lhai R. Taylan
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Raquel Sison Buban
Ramil B Correa
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mayamang kultura at kasaysayan ng Batek ng Kalinga. Ang sining ng Batek ay itinuturing ng marami na naglalaho na, kaya naman napagdesisyunan ng mananaliksik na pag-aralan ito upang mabigyang atensyon ang kulturang dati ay binabalewala lamang. Umaasa ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kamalayan sa mga ordinaryong tao na mayroong katangi-tanging kulturang pagbabatek sa Kalinga at sa iba pang parte ng Cordillera. Upang mas maraming maabot ng pag-aaral na ito at dahil na rin sa makabagong teknolohiya ngayon, gumawa ang mananaliksik ng dokumentaryo ukol sa kultura at ang bagong henerasyon ng mambabatek.
Sa pananaliksik na ito, binigyan ng pansin ang mga pangalan, anyo, disenyo at ang kahulugan ng mga karaniwang Batek sa Kalinga. Nagkaroon din ng paghahambing ang tradisyunal na simbolismo ng mga Batek at ang kontemporaryong kahulugan nito para sa mambabatek at ang tinatatuan. Pinagdebatehan din kung tunay nga bang naglalaho ang sining ng batek ayon sa propesor at ilang kontemporaryong mambabatek, ngunit, ang pinakapokus ng dokumentaryong ito ay ang makabagong henerasyon ng mga mambabatek.
Upang makalap ang mga kinakailangang datos, naghanap ang mananaliksik ng propesor na dalubhasa sa sining ng pagbabatek, mga nagbabatek na nakabase rito sa Maynila, at mga kabataang mayroong batek. Kasama sa panayam ang Associate Dean ng New Media Cluster ng DLS-Saint Benilde, si Binibining Sharon Mapa, ang mag-asawang mambabatek na sina Jonatahn Cena at Jean Sioson, si Ginoong Den Wigan, isang mambabatek sa Pinto Art Gallery sa Antipolo at ang dalawang tattoo enthusiast na sina Nadine Bernardino at Michiko Alejandro. Sa kanila umiikot ang daloy ng dokumentaryo ng mananaliksik na pinamagatang Bagong Henerasyon ng Mambabatek.
Sa pagtatapos ng pag-aral, maraming nadiskubre ang mananaliksik ukol sa Batek katulad na lamang ng kasalukuyang estado nito, ang iba't ibang kahulugan ng mga Batek at ang maaring pagbigay ng ibang tao ng mga sariling kahulugan base sa kanilang mga karanasan. Natutunan din ng mananaliksik na nakadepende sa konteksto kung tunay nga bang naglalaho ang sining ng Batek, kung ang Batek ba ay walang kahulugan kung wala na ang tradisyunal na pagsasanay o hangga't meron pa ring nagtatato ng mga ganitong disenyo ay patuloy pa rin ang sining ng Batek. Isa ring natutunan ng mananaliksik ang bagong henerasyon ng mambabatek na papalit sa mga katutubo katulad ni Whng Od kapag sila'y pumanaw na.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19434
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
107 leaves ; illustrations ; 29 cm + : 1 computer disc
Keywords
Batik--Philippines; Dyes and dyeing--Philippines; Resist-dyed textiles--Philippines; Kalinga (Philippine people)
Recommended Citation
Aggarao, P. (2016). Ang sining ng batek ng kalinga: Isang biswal na dokumentasyon sa bagong henerasyon ng mambabatek. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2881