Ang pagsulong sa kultura at kaakohang Caviteno ng pamamahalang Remulla

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Lakangiting Garcia

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang

Defense Panel Member

Ramil Correa
Dolores Taylan
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa isang ispesipikong aspekto ng politika sa lalawigan ng Cavite. Ito ay ang kultura at kaakohan ng mga taong naninirahan rito o ng mga Caviteno. Isisiwalat ng pag-aaral na ito ang mga paraang ginawa o gagawin pa lamang ng tatlo sa mga politico ng probinsya na kabilang sa angkang Remulla. Ang mga Remulla ay isang kilalang pamilya sa nasabing lalawigan sapagkat matagal na nila itong pinamumunuan. Nagsimula ito sa pagtayo ni Gov. Juanito Remulla, Sr., noon bilang gobernador na sinundna ng kaniyang mga anak. Pokus ng tesis na ito sina Gov. Juanito Victor Jonvic Remulla na naging gobernador sa loob ng anim na taon, si Gov. Jesus Crispin Boying Remulla na kasakukuyang gobernador ng Cavite, at si BM Rolando Andoy Remulla na naging provincial board member naman.

Mababasa rito ang isang introduksyon tungkol sa kung sino nga ba ang mga Remulla, saan at kelan sila nag-umpisang mamuno sa Cavite, at ang mga kontribusyon ng pamamahalang ito sa kalagayan ng naturang lalawigan. Makikita rin ang ilan sa mga kaugnay na literature na tungkol sa probinsya ng Cavite. Ang ilan rito ay tungkol sa kasaysayn ng probinsya, ang ilan naman ay tungkol sa administrasyong Remula simulla noon, ang iba ay tungkol naman sa mga materyal na nagsasabi ng kalagayan ng probinsya noon. Ito ang mga sangguniang ginamit ng mananaliksik upang makapagkalap ng mga adisyonal na impormasyon sa kung ano ang Cavite noon at kung gaano na kalaki ang pinagbago nito ngayon. Makikita rin ang teoryang ginamit na Cultural Identity Theory at kung paano ito konektado sa pag-aral na ginawa.

Kasabay nito, tinalakay rin ng tesis ang mga perspektibo o pananaw ng tatlong nasabing politico tungkol sa kultura at identidad ng mga Caviteño. Para sa kanila, sino o anong klaseng tao nga ba ang kanilang mga hinahawakan? Kasama rito ang pag-alam sa kung ano nga ba ang pananaw naman ng sambayanang Caviteño sa kung sino nga ba sila bilang mga Caviteño at mamamayan ng bansa. Makikita rin ang paghahambing ng dalawang panig. Nagtutugma ba ang mga ito o hindi compatible ang mga pa[n]anaw ng mga Remulla sa pananaw ng mga taong kanilang pinamumunuan?

Panghuli, makikita sa tesis na ito a[n]g konklusyon kung saan makikita ang mga pinal na resulta at mga natuklasan sa paggawa ng pag-aaral.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19462

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

231 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Politics; Practical--Philippines; Families-- Philippines; Political participation--Philippines; Philippines--Politics and government

This document is currently not available here.

Share

COinS