Mula sex-on-call hanggang sex-on-facebook: Ang gamit ng teknolohiya sa transaksyon ng mga sex worker
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Mass Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Efren J. Domingo
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Rowell D. Madula
Lilibeth O. Quiore
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Mula sa third wave feminist theory sa lenteng sex-positive feminism, sinuri ang kalakaran sa sex-on-call at sex-on-Facebook. Upang matuklasan ang epekto at kahalagahan ng paggamit ng mga sex worker ng teknolohiya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kustomer, nakipanayam ang mananaliksik sa limang sex-on-call worker at inobserbahan ang isang grupo sa Facebook na Philippines Sex Pay. Sinuri ang transaksyon sa pagitan ng sex worker at kustomer sa sex-on-call at sex-on-Facebook at mula dito, natuklasan ang papel ng teknolohiya sa pakikipag-ugnayan ng mga sex worker sa kustomer. Mula sa pananaliksik, ipinaliwanag ang pagkakaroon ng awtonomiya at kasarinlan ng sex worker sa kaniyang katawan at sekswalidad. Sinuri ang pagpresenta ng mga sex worker sa kanilang sarili at ang mga tugon ng mga kustomer. Ang sex worker ang naglalahad ng mga tuntunin ng sekswal na aktibidad na gaganapin at napag-alaman ang kahalagahan ng pagkilala sa awtonomiya at kasarinlan ng kababaihan sa kalakarang prostitusyon. Dahil itinuturing na kalakal ang pag-aalok ng sekswal na serbisyo, marapat na tratuhin ito sa ganitong palagay at makikita ito sa pagpresenta ng sex worker sa kaniyang sarili sa paggamit ng teknolohiya sa kaniyang mga transaksyon.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19467
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
109 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Mass media and sex--Philippines; Sex workers-- Philippines; Prostitutes--Philippines; Prostitution-- Philippines; Sex-oriented businesses--Philippines; Sex--Philippines
Recommended Citation
Gatchalian, M. (2016). Mula sex-on-call hanggang sex-on-facebook: Ang gamit ng teknolohiya sa transaksyon ng mga sex worker. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2879