Ang pantawang pananaw ng mga YouTube video ni Mikey Bustos: Isang pagsusuring kritikal

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Mass Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rhoderick V. Nuncio

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

Raquel E. Buban-Sison
Rowell D. Madula
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Layunin ng pagsusuri na tingnan ang pantawag pananaw ng mga YouTube video ni Mikey Bustos. Tiningnan din ang umiiral na ideolohiya sa mga video at gagawan ng critical na pagsusuri ang mga ito. Sa malalimang pagsusuri ng mga video sa YouTube ni Mikey Bustos, makikita ang tema ng pagtangkilik niya sa kultura at kulturang popular ng Pilipinas at pagkontra niya sa kolonyal na mentalidad sa pamamagitan ng paggawa niya ng parodiya ng mga sikat na banyagang kanta na naging parte na rin ng kulturang popular ng bansa. Gamit ang critical discourse analysis bilang paraan ng pagsusuri, susuriin ang limang YouTube videos na may pinakamaraming views na kakikitaan ng pagkontra sa kolonyal na mentalidad at pagtangkilik sa kultura. Gumawa ang mananaliksik ng mga criteria na susuriin batay sa teorya ni Andrew Goodwin sa kung saan sumuri ng mga music video. Gagamitin rin ang Pantawag Pananaw ni Rhoderick Nuncio sa pagsusuri ng kabuuan ng mga YouTube video ni Bustos. Susuriin rin ang naging reaksyon ng mga manonood batay sa mga iniwan nilang komento sa comment section ng bawat YouTube videos ni Bustos.

Nakita nga na ang pagkontra sa kolonyal na mentalidad at pagtangkilik sa kultura ang umiiral na kaisipan sa mga video. Naging epektibo naman ang paggamit niya ng YouTube bilang platform upang maibahagi niya ang kanyang mga malikhaing ideya at mensahe na tangkilikin ang kultura at gawang Pilipino. Batay sa pagsusuri sa komento at reaksyon ng mga manonood, naging epektibo rin ang kanyang mga video na hikayatin ang mga manonood na ipagmalaki ang mga bagay na bumubuo sa identidad ng isang Pilipino.

Abstract Format

html

Note

YouTube video.

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19464

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

110 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Video recordings--Philippines; Television acting-- Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS