UBERnisasyon: Isang pag-aaral sa nababagong kultura ng pagsakay
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores R. Taylan
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Ma. Lucille G. Roxas
Rowell D. Madula
Ramilito B. Correa
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Mainit, mausok, at mahaba ang pila. Ito ang ilan sa nararanasan ng mga Pilipinong mananakay. Nakasanayan ng mga komyuter ang pahirapang pagsakay. Sa pagdating ng ridesharing app na Uber sa bansa, binago ng inobasyon nito ang maraming sektor ng lipunan ng bansa. Bukod sa ambag at epekto ng Uber sa ekonomiya, trapiko, teknolohiya, at transportasyon, higit na nagkaroon ng makabuluhang epekto ang pagtangkilik ng Uber riders at pagsali ng Uber-partners sa Uber sa kultura ng pagkomyut. Ang mga pangyayaring io ay nakalikha at nakapagpabago sa paraan ng pagsayay ng mga Pilipinong pasahero, na tinuklas at binigyang-paglalalim sa pananaliksik na ng mga ito. Nagpokus din ang pananaliksik sa mga salik ng Uber na nakapag-uuduok sa mag Uber rider na sumakay at mga Uber-partner na sumali sa Uber, upang lubos na maunawaan ang dulot nitong panibagong kultura sa pagkomyut. Sinuri at pinaghambing sa tesis ang pinagkaiba ng paraan ng pagkomyut ng mga pasahero bago umusbong ang Uber at sa panahon ng kasalukuyan nitong kaunlaran. Pinagtibay ang pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipanayam sa dalawampung Uber riders (10) at Uber-partners (10), obserbasyon ng pag-uugali at tunay na karanasan ng Uber-partners batay sa posts sa mga eksklusibong Facebook groups (Uber Grab Driver Operator Rider Philippines at Uber Philippines) para sa Uber-partners, at ang sariling karanasan at persepsyon ng mananaliksik sa Uber na masugid ding pasahero nito.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19449
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
208 leaves ; 29 cm.
Keywords
Automobile drivers--Philippines; Automobile occupants--Philippines; Transportation-- Philippines
Recommended Citation
Torres, R. (2017). UBERnisasyon: Isang pag-aaral sa nababagong kultura ng pagsakay. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2871