Ang mabilis na paglaho ng pagbabatek ng mga Ifugao kaysa sa mga Bontok at Southern Kalinga
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Feorillo Petronillo Demeterio, III
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Grace Precious E Tabernero
Dolores R. Taylan
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pagtibayin ang papel na inilatha ni Dr. F. P. A. Demetrio, III na The Fading Batek: Problematizing the Decline of Traditional Tattoos in The Philippine Cordillera Region. Tinalakay ng nabanggit na riserts ang makasaysayang pagkupas ng tradisyonal na kultura ng pagtatato sa rehiyon ng Kordilyera. Sa pangambang paglaho ng tradisyonal na pagtatato sa Kordilyera, batay sa ilang mga histoikal na salik ang pagbibigay ng mga tiyak sanhi ng paglalaho ng tradisyonal na kultura ng pagtato. Layunin rin nitong masagot ang ilang pangunahing katanungan: 1.) Mga sanhing nakabalot sa paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga pangunahing ethnolinggwistikong grupo sa Kordilyera na Ifugao, Bontok, at Southern Kalinga at 2.) Tuklasin ang dahilan ng mas maagang paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga Ifugao kung ihahambing sa paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng mga Bontok at Southern Kalinga. Susuriin sa pamamagitan ng teoryang Archaelogical Framework ang kasaysayan ng kolektibong kultura ng kasanayan ng tradisynal na pagtatato. Mula sa paglalagom ng tradisyonal na kultura ng pagtatato ng tatlong pangunahing etnolinggwistikong grupo naisasaad ang mga sanhi sa maagang paglalaho ng tradisyonal na pagtatato sa Ifugao na hinati sa apat na balangkas. Una ang Politikal na reorganisasyon ng Kordilyera dulot ng pananakop ng Amerika, Ikalawa ang pagpasok ng Kristianismo sa Kordilyera, Ikatlo ang pagtatag ng Kanluraning edukasyon sa Kordilyera at ikahuli ang usaping estetika. Ang maagang paglaho ng tradisyonal na pagtatato sa Ifugao ay hindi lamang impluwensya ng modernisasyon, mula sa pagbabagong ito nakapaloob ang transpormasyong nabatid dulot ng pananakop ng ilang bansa sa Kordilyera, impluwensya sa kultura kapatagan, kung saan mas malapit ang lokasyon ng mga Ifugao sa kapatagan kumpara sa mga Bontok sa Southern Kalinga. Ang paglaho ng tradisyonal na kultura ng pagtatato sa Ifugao ay sumasalamin sa pagbabago at impluwensya ng kolonyalisasyon, westernisasyo
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19454
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[9], 163 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Batik--Philippines; Dyes and dyeing--Philippines; Ifugao (Philippine people); Bontoks (Philippine people); Kalinga (Philippine people); Filipinos
Recommended Citation
Santiago, M. (2016). Ang mabilis na paglaho ng pagbabatek ng mga Ifugao kaysa sa mga Bontok at Southern Kalinga. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2867