Ang penomenolohiya ng reality TV: Isang pagsusuri sa reality Boyband show na To The Top ng GMA 7

Date of Publication

2017

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

Ma. Lilibeth R. Quiore-Oblena
Ma. Deborrah Sadile Anastacio
Julio C. Teehankee
Ramilito B. M. Correa

Abstract/Summary

To The Top, ang tinaguriang pinakaunang reality boyband search sa Pilipinas. Layunin ng programa na makapagbuo ng grupo na mayroong limang miyembro na magsisilbing unang boyband ng GMA 7. Sa pamamagitan ng ilang sunod-sunod na pagsubok sa larangan ng awit, sayaw, personalidad, at ilan pang mga abilidad ng isang miyembro ng boyband, sinubok ng programa ang bawat kalahok sa kanilang katatagan upang mapanatili ang sarili sa programa. Bilang isang reality show, ilang pagsubok rin ang pinagdaaan ng produksyon sa pagsusuri ng materyal na kanilang pinalabas sa telebisyon. Minabuti ng mananaliksik na suriin ang anim na buwan na karananasan sa To The Top at alamin ang ilang isyu ng programa sa larangan ng pagiging reality show nito.

Sa pamamagitan ng penomenolohikal na pamamaraan ng pananaliksik ni Edmund Husserl, siniyasat ang tinatawag na lived experience o karanasang dinanas ng mananaliksik at isa pang kalahok. Tatlong mahahalagang hakbang ang isinagawa upang alamin ang realidad mula sa penomenolohiya. Epoche ang nagsilbing unang hakbang, sumunod naman ay ang Reduksiyong Eidentiko, at ang huling hakbang ay ang Reduksiyong Transendental. Sa unang hakbang, nagkaroon ng pagssantabi ng likas napagtining sa mga bagay na sinisiyasat o pag-alam ng obhektibong impormasyon ukol sa programa. Isinagawa ang pagkalap ng obhektibong impormasyon mula sa ilang panayam sa Senior Assistant Vice President ng GMA Public Affairs na bumuo ng programa, isang Program Manager for Social Media ng To The Top, at isang Field Producer. kabilang rin sa obhektibong impromasyong nakalap ay ang mga hiniling na kumpletong episode ng programa na tinalakay at sinuri. Sa pagsasagawa ng ikalawang hakbang, lumalabas ang subhektibong impormasyon na nagmumula naman sa mga naratibo ng mga kalahok. Inalam ang reality mula sa penomenolohiya sa pamamagitan ng ikatlong penomenolohiyang hakbang. Kinumpara ng bahaging ito ang impormasyong subhektibo at obhektibo upang magkaroon ng kamalayan sa reality ng impormasyong nakalap.

Sa ikatlong hakbang, kinumpara ang ini-ere na materyal at naratibo ng mgamananaliksik. Sa isinagawang pamamaraan ng pananliksik, apat na pangunahing isyu ang natukoy ng pag-aaral sa larangan ng pagiging reality show ng programa. Unang isyu ay ukol sa konsistenso sa mga binabanggit at ipinapakita sa mga ini-ere na materyal, ikalawa ay ang kakulangan ng pag-ere sa kabuuan ng istorya, ikatlo ay ang pagpapakita sa mga piling anggulo ng istorya upang ipalabas ang isang nakakawili o makulay na eksena, at ang ika-apat at huling isyu ay ukol sa sistema sa pamamalakad ng produksyon. Inaasahan na sa mga natuklasang isyu, makakapaghatid ng aral at kamalayan an sinuri na impormasyon. Ilan sa mahalagang isaalang-alang ay ukol sa mga maaaring pagsubok ng pinagdaraanan ng isang reality show nang dahil sa ilang limitasyon sa pagpapaktia ng realidad sa materyal na kanialng ipinapalabas.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19426

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[10], 311 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Reality television programs -- Philippines; To the Top (GMA 7)

This document is currently not available here.

Share

COinS