Sining at salapi sa pusod ng Cubao: Kultural na pagmamapa ng Cubao Expo bilang espasyo ng sining at komersyo
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang, II
Defense Panel Member
Ma Llibeth Quiore Oblena
Ramilito B. Correa
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Likas na malikhain ang mga Pilipino subalit hindi sapat ang mga lugar kung saan maari nilang ipamalas ito lalo na kung nagsisimula pa lamang sila sa larangan ng sining. Sa panahon ngayon, hindi lang museo ang tanging lugar kung saan maaaring masilayan at pag-aralan ang iba't ibang likhang sining. Kaya naman, naging interesado ang mananaliksik na pag-aralan ang mga alternatibong espasyong nagbibigay ng entablado sa mga alagad ng sining upang maipakilala sa publiko ang kanilang obra.
Matutunghayan sa pananaliksik na ito ang pagsusuri sa Cubao Expo bilang isang espasyo ng sining at komersyo. Naiiba ang pinagmulan at pinatutunguhan ng Cubao Expo bilang alternatibong espasyo kumpara sa mga naitatag at subok nang lugar na nagsusulong ng sining sa bansa. Nakatuon din ito sa pagmamapa o pagkakabuo ng espasyo ng Cubao Expo na hinubog ng kasaysayan, globalisasyon, komersyo, at sining sa bansa. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang naging papel ng mga tindahan, produkto, serbisyo, events, at ng komunidad ng Cubao Expo sa pagbuo ng pagkakakilanlan nito bilang espasyo ng sining.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nais ng mananaliksik na madagdagan, mapalalim, at mapalawak pa ang kaalaman pagdating sa mga espasyo ng sining sa Pilipinas. Layunin ng pag-aaral na itong suriin ang Cubao Expo bilang representasyon ng isang alternatibong espasyo ng sining. Inilahad din sa pananaliksik na ito ang pagsipat sa mga kasanayan at karanasan ng mg staff, may-ari ng mga tindahan, at pati na rin ng mga mamimili o customer.
Sa pagmamapa ng Cubao Expo, ginamit ng mananaliksik ang teoryang Spatial Triad ni Henri Lefebvre. Binubuo ang teoryang ito ng tatlong bahaging nagiging salik sa pag-aaral at pagkakaroon ng espasyo-- ang representational space, representations of space, at ang spatial practice. Kung kaya't nahahati rin ang pag-aaral na ito sa tatlong bahagi upang maipakita ang ugnayan ng kasaysayan at polisiya, mga staff, at may-ari ng mga tindahan, at mga customer o mamimili ng Cubao Expo sa pagbuo ng identidad ng lugar na ito bilang isang espasyo ng sining.
Batay sa mga nakalap na datos, mayroong tatlong bagay na bumubuo sa pagmamapa ng Cubao Expo bilang espasyo ng sining. Una, hinubog ang Cubao Expo sa kung ano ito ngayon ng kasaysayan at mga polisiya ng pamumunuan nito. Pangalawa, maliban sa pamunuan ng Cubao Expo, ang mga may-ari ng tindahan ang bumubuo at nagtataguyod sa identidad ng Cubao Expo bilang espasyo ng sining. At panghuli, binabalik-balikan ng mga mamimili o customer ang Cubao Expo dahil sa natatangi nitong vibe na nakabatay sa kanilang nakita, narinig, naramdaman, at naranasan.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19427
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[9], 225 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Cubao Expo -- Philippines -- Cubao; Expo -- Philippines -- Cubao; Arts -- Philippines -- Cubao
Recommended Citation
Bayta, N. (2017). Sining at salapi sa pusod ng Cubao: Kultural na pagmamapa ng Cubao Expo bilang espasyo ng sining at komersyo. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2850