Beauties for a cause: Isang pag-aaral sa tangkang pagsulong na adbokasiya sa palabas na Miss Philippines Earth

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Maria Wevenia Ricohermoso

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang, II

Defense Panel Member

Raquel Buban-Sison
Rowella Madula
Julio Teehankee

Abstract/Summary

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri tungkol sa pagsulong ng Miss Philippines Earth ng kanilang adbokasiya sa kontest bilang palabas. Sa pagsusuring ginawa, natuklasan na hindi naging matagumpay ang organisasyon na gamitin ang kanilang palabas upang maisulong ang kanilang adbokasiya. Ito ay sa kadahilanan na kahit may ilang pagtatangka, hindi sila lubusang nagamit ang lahat ng elemento ng palanas, upang maipakita ang kanilang aktibong pagtulong sa kalikasan.

Isang halimbawa ng kanilang pagtatangka sa palabas ay sa elemento ng teksto na question and answer portion. Ginamit ng organisasyon ang bahaging ito upang matalakay ng mga kandidata at hurado ang ilang mga isyu tungkol sa kalikasan. Ilan pang karagdagang patunay na tinangkang gamitin ng organisasyon ang Miss Philippines Earth upang maisulong ang kanilang adbokasiya ay sa pamamagitan ng paglagay ng mga simbolismo sa ilang kagamitan sa beauty pageant na tulad ng korona ng at screen sa entablado. Una makikita sa korona na gumamit ang designer ng mga kulay, disenyo, at bato na may mga simbolismong nagpapaktia sa kagandahan na mayroon ang kaliaksan. At pangalawa naipakita naman sa acreen ang mga litratong nagpapakita ng taglay na kagandahan na mayroon ang Inang Kalikasan. Sumunod naman ang ilan pang karagdagang datos na natuklasan ng mananaliksik na nagpapakita na ang ilang pang elemento ng palabas ay walang kaugnayan sa adbokasiya ng Miss Philippines Earth na environmental awareness. Ito ay nasabi dahil maliban sa wala itong kinalaman sa adbokasiya ang mga bahagi, nakita rin na ang mga parte ay mga pangkaraniwang parte lamang ng iba pang mga palabas, tulad ng sa swimsuit at eveninggown competition sa nakitaan ng kawalan ng koneksyon sa adbokasiya ng palabas, dahil walang elemento nito ang nagpapakita ng pagsulong sa kanilang layunin. Nakita rin na ang ilan tauhan tuald ng mg kandidata, ay walang ipinakitang kontribusyon sa pagsulong ng adbokasiya ng Miss Philippines Earth. Bagaman iba ang naging resulta sa inaasahan, naging matagumpay pa rin na mailapat ng mananaliksik ang konsepto ng palabas sa Miss Philippines Earth. Natuklasan din naman na kahit nabigo ang organisasyon na magamit ang patimpalak upang maisulong ang kanilang adbokasiya, nakitaan naman na may ilan sialng ginawang pagtatangka na maisulong ito. Gayunpaman, masasabi na naging daan ang pag-aaral upang dumami pa ang riserts tungkol sa beauty ppageants lalo na dahil patuloy pa rin ang kasikatan ng ganitong uri ng palabas sa bansa.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19424

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[12], 156 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Beauty contests--Philippines; Beauty; Personal-- Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS