Kultura ng pananamit ng mga piling titas of Manila

Date of Publication

2017

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Communication

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Emma Basco-Ablan

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang

Defense Panel Member

Ma. Soy Vonhoepper Reyes
Ma. Deborah Anastacio
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Pinili ang paksang hinggil sa pananamit ng mga piling Titas of Manila dahil nais makapag-ambag ng mananaliksik sa larangan ng pananamit sa Araling Filipino. Minabuti ng mananaliksik na ipokus ang pag-aaral sa isang grupo ng henerasyon na nakikita sa lipunanng Pilipino, ang mga Titas of Manila. Maraming gumagawa ng parody subalit hindi naman nito nabigyang-lalim ang kanilang katangian. Isa rin sa mga layunin ng tesis ay ang pagsusuri sa kultura ng pananamit ng henersyong ito na nakabatay sa kanilang ginagalawang lipunan.

Batay sa pananaliskik, natuklasang may tatlong katangian upang maitawag ang isang babae na 'Titas of Manila'. Ito ay ayon sa kanilang edad na middle age, lokasyon sa Kamanilaan o National Capital Region (NCR) at katayuan sa lipunang gitnang-uri o higit pa. Nagkalap ang mananaliksik ng pitong piling tita sa NCR na nagpadala ng pitong larawan sa loob ng isang linggo. Kinapanayam ang mga tita upang makabuo ng profayl na magbibigay-linaw sa epekto ng kanilang pang araw-araw na gawain sa kanilang pananamit. Natagpuan din sa kanilang profayl na pare-pareho silang housewife na nagsusuot ng mga branded na damit, gaya ng UNIDO, H&M, Coach, Longchamp, Fliptop at Charles & Keith. Mula rin sa ginawang pagsusuri ng mga nakalap na datos, tinatangkilik nila ang 'comfort fashion' dahil sinasaad nilang tumutugma ito sa kanilang gawain araw-araw. At higit sa lahat, nilalarawan nilang comfort fashion sa pamamagitan ng t-shirt, maong, malaking tote at flat sandals na angkop sa kanilang obligasyon at gawain sa bahay at pamilya.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19429

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[8], 86 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.

Keywords

Clothing and dress--Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS