Koreanaque: Pagsusuri sa BF Homes, Paranaque bilang pangatlong espasyo para sa kabataang Koreano

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell D. Madula

Defense Panel Chair

Ernesto V. Carandang

Defense Panel Member

Danalyn Lubang
Efren J. Domingo
Julio C. Teehankee

Abstract/Summary

Buhat ng economic cooperation ng Pilipinas at South Korea, maraming itinayong korporasyon ang mga Koreano sa bansa. Sa ngayon sila ang ikinukunsiderang top spending market ng Department of Tourism ng Pilipinas at may mga pag-aaral na nagsasabing hindi titigil ang pagdagsa ng mga Koreano sa bansa sa mga nalalapit pang taon. Kasabay ng pagsulong ng ekonomiya nila, mas naging mahigpit ang kompetisyon para sa nagiging global nilang lipunan. Naging isang kahilingan na sa mag kabataan ang matuto ng wikang Ingles. Kaya naman ang nasa middle class na mga magulang na hindi kaya ipadala sa Amerika ang kanilang mga anak, ginagawang opsyon ang Pilipinas dahil sa mas murang pamumuhay rito. Isa pang nakitang dahilan na may kaugnayan din sa kompetisyon sa South Korea ay ang pressure sa mga kabataan nila na mapasok sa magandang unibersidad. Ilan sa mga estudyanteng Koreano ang tumakas mula rito sa pamamagitan ng paglipat sa Pilipinas.

Ang isang kapansin-pansin na katangian ng mga Koreano sa Pilipinas ay ang kanilang pagkukumpol-kumpol. Nakikita ito sa pakikipagkapwa lamang nila sa kanilang mga kalahi at pati na rin sa pagkakaroon nila ng mataas na konsentrasyon sa maraming bahagi ng bansa. Sa BF Homes, Parañaque, ang pinakamalaking village na matatagpuan sa Asya, halos magkasing dami na ang mga Pilipino rito at ang mga migrante mula Korea, Ebidente ito lalo na sa pangunahing mga commercial areas nito na Aguirre Avenue at President's Avenue na kinakatayuan ng napakaraming establisyementong pang-Koreano.

Layunin ng mananaliksik alamin kung paano nagiging pangatlong espasyo para sa mga kabataan Koreano ang BF Homes, Paranaque. May dalawang hinaing tiyak na suliranin sa unang umaalam kung ano ang katangian ng BF Homes, Parañaque at paano ito nagmumukhang Koreatown. Ang pangalawa naman bilang pananaw ng kabataang Koreano sa BF homes, Parañaque ayon sa teoryang Third Place ni Ray Oldenburg. Nagsasagawa ng obserbasyon at panayam ang mananaliksik at gamit ang convenience sampling, nagkaroon ng sampung respondent na kabataang Koreano na madalas tumatambay sa BF Homes na may edad 18 hanggang 23.

Natuklasan ng pag-aaral na matatagpuan sa BF Homes ang pisikal na katangian ng enclave ayon sa paglalarawan ni Alejandro Portes. Isa sa mga katangian na ito ay ang pagkakaroon ng maramig paskil na nakasulat na sa wika ng mga imigranteng may konsentrasyon sa isang lugar. Pinatunayan ng imahe mula sa Aguirre Avenue at sa obserbasyon sa BF Homes ng risertser na ganoon nga ang sitwasyon sa BF Homes. Ang varayti din ang mga negosyo ng imigrante sa isang enclave ay pinagtibay ng obserbasyon at isang bahagi ng artikulo mula sa The Philippine Star na naglalarawan sa matatagpuang establisyementong pang-Koreano sa nasabaing barangay. Para tugunan ang pangalawang tiyak na suliranin, ginamit ng mananaliksik ang mga walong katangian ni Oldenburg para sa Third Place at inihanay rito ang mga naging sagot sa panayam ng sampung mga kabataang Koreano. Napatunayan na nasa BF Homes, Parañaque ang lahat ng kahingian ng Third Place ayon sa pananaw ng respondents.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19435

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[9], 107 pages ; illustrations ; 29 cm.

Keywords

Koreans--Philippines; Students; Foreign-- Philippines--Attitudes

This document is currently not available here.

Share

COinS