Ligang labas: Ang paglalapat ng symbolic interactionism sa isports na basketbol sa Las Pinas, Pilipinas
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Leisure Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Joel Orellana
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
Alonaa Ardales-Jumaquio
Efrena Domingo
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Binibigyang pokus ng pag-aaral na ito ang mga ligang labas sa Las Pinas na may layunin sagutin ang kung paano na bubuo ang ganitong uri ng liga. Dagdag pa rito, tinugunan din ang mga katanungan kung ano ang pinagkaiba ng Ligang Labas sa Propesyunal na mga liga at kung bakit ito nagpapatuloy.
Sa pagkalap ng datos, pumili ang mananaliksik ng tatlong Ligang Labas mula sa Las Pinas, ang BF International Cup, Pound for Pound Fitness League, at Egay Billiones Cup. Mula sa mga ligang ito kumuha ng datos ang manaliksik gamit ang participant observation. Dagdag pa rito, nagkaroon din ng mga panayam sa mga kalahok sa Ligang labas. Nilapatan ang datos na nakuha ng teroyang Symbolic Interactionism.
Malaking bahagi sa pagbubuo ng liga ang mga kalahok. Ang bawat isa ay may ginampanan na papel. Kung wala ang mga kalahok, wala rin ang Ligang Labas. Ang organizer, manlalaro, manonood, at team manager ang mga tao[n]g bumubuo sa Ligang Labas. Ang basketbol court ay isang mahalagang aspekto sa ganitong uri ng liga dahil ang klase ng kourt ay may epekto sa pagpapatakbo ng liga. Sa mga court din ay may naturang pwesto ang bawat kalahok. Higit pa rito, patuloy ang paglaganap ng Ligang Labas sapagkat marami itong benepisyo sa mga sumasali. Hindi lamang ito isang espasyo ng kaaliwan kundi oportunidad sa mga manlalaro upang magkaroon ng karanasan makapaglaro sa isang organisadong liga. Patuloy ang pagtangkilik dito ng mga tao dahil sa Ligang Labas nagtatagpo ang katangian ng propesyunal na liga at street basketball.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19436
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[8], 155 pages ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Sports tournaments--Philippines--Las Pinas; Basketball--Philippines--Las Pinas
Recommended Citation
Amado, C. (2016). Ligang labas: Ang paglalapat ng symbolic interactionism sa isports na basketbol sa Las Pinas, Pilipinas. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2842