Paglikha ng espasyo para sa makabayan, siyentipiko, at makamasang sistema ng edukasyon sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social and Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
David Michaela San Juan
Maria Roxas
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Ang edukasyon ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng pag-unlad hindi lamang ng kaisipan ng isang tao kundi pati na rin ng bansa. Ang sistemang napapaloob rito ang siyang nagsilbing gabay upang maisakatuparan ang mga aspektong magpapabuti sa isang institusyon. Mahalagang malaman kung paano umiiral ang sistema sa loob ng isang espesyalisadong pampublikong paaralan sapagkat dito nagsismula ang paghubog ng kaisipan at kamalayan ng isang indibidwal na marapat na imulat sa mga suliraning panlipunang kinakaharap ng bansa. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas nagkakaroon ng inisyatibo hindi lamang ang mga mag-aaral kung hindi pati na rin ang mga guro na siyang nangunguna sa pagpapatupad ng kurikulum, iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo at mga polisiyang sinusunod na umiiral sa isang paaralan para sa pagpapanatili ng kahusayan nito.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa isang espesyalisadong pampublikong paaraln sa Maynila, ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila o Masci. Sinuri ng mananaliksik ang sistema ng edukasyong napapaloob sa institusyon sa pamamagitan ng tatlong aspekto: ang Kurikulum, Mga Polisiya at ang Paraan ng Pagtuturo na napapaloob rito. Inalam ng mananaliksik kung mayroon at anu-ano ang ginagawang pamamaraan ng Masci sa kabuuan kasama na ang mga kaguruan, mag-aaral, at mga staff ng paaralan upang unti-unting baklasin ang mga bakas na iniwan ng Kolonyalisado, komersyalisado at elitistang sistema ng edukasyon sa nasabing institusyon.
Sa tulong ng lente ni Renato Constantino sa usaping Misedukasyon, nangalap ang nananaliksik ng mga pangunahing datos na may kinalaman a sistema ng edukasyong umiinog sa Masci sa pamamagitan ng pakikipanayam, Focus Group Discussion, at pagmamasid sa paraan ng pagtuturo at mga gawaing isinagawa rito. Binigyang-pansin ng mananaliksik ang tatlong aspektong nabanggit sa itaas- ang Kurikulum, Paraan ng Pagtuturo at Mga Polisiyang umiiral sa paaralan upang mapatunayan kung ang Masci ay isang institusyong lumalabas sa Misedukasyon at upang mapatunayan ang mga ito, ang mga nakalap na datos para sa tatlong kategorya at sinuri.
Sa pag-aaral na ito, sasagutin ang mga pamamaraan ng pagbaklas sa nosyon ng Misedukasyon sa Masci nang sa ganoon ay mapalitan ito ng MSME o Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Edukasyon. Ayon sa mga nakalap na mga datos ay muling binalikan ang mga bakas ng kolonyalisado, komersyalisado at elitisitang edukasyon sa Masci at sinuri ng mananaliksik ang mga ito. Inaalam na ng mananaliksik ang mga pagbabago sa kurikulum na sa kasalukuyan ay K-12 ayon sa pamamalakad ng gobyerno, ang Special Science Curriculum na kinamulatan ng Masci, ang pamamaraan ng pagtuturo ng mga fakulti sa iba't ibang asignatura, at ang mga polisiyang sinusunod ng mga mag-aaral.
Sa isinagawang pananaliksik, napatunayan na ang Masci ay isang larawan ng espasyo ng Makabayan, Siyentipiko, at Makamasang Institusyon na mayroong ginawa at patuloy na mayroong gingawa upang baklasin ang nosyon ng Misedukasyon sa tatlong konsepto nito--ang pagiging Kolonyal, Komersyal, at Elitista.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19437
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[11], 216 pages ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Education; Secondary--Philippines; High schools-- Administration--Philippines; High schools-- Philippines; Education--Philippines; Manila Science High School
Recommended Citation
Angeles, C. R. (2016). Paglikha ng espasyo para sa makabayan, siyentipiko, at makamasang sistema ng edukasyon sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2841