Sayaw sa bubog: Pagsasakasaysayan ng La Salle Dance Company-- Street mula 1997 hanggang 2017
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social and Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
Ramilito B. Correa
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Maraming oportunidad ang bumubukas para sa mga estudyante kapag ito ay tumuntong ng kolehiyo. Oportunidad nitong makilala pa ng husto ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na higit na interesado ito. Bahagi ng pagiging kolehiyo ang makilahok sa mga iba't ibang organisasyon sa unibersidad at hindi lamang makulong ang pagkukuhanan ng kaalaman sa silid-aralan lamang. Ang mga organisasyong ito ay makakatulong sa mga estudyante hindi lamang sa pag-ensayo ng mga partikular na espesiyalidad nitong mga ito pero pati na rin ang pagbubuo ng network at relasyon ng isang estudyante sa ibang tao.
Sa pag-aaral na ito na may titulong Sayaw sa Bubog: Pagsasakasaysayan ng La Salle Dance Company-- STREET mula 1997 hanggang 2017, tatalakayin at pag-aaralan ang kasaysayn ng opisyal na street dance na organisasyon ng Pamantasan ng De La Salle-- Manila. Ang pananaliksik ng LSDC-- STREET bilang isang organisasyon ay kabuuang pagkilala sa buong organisasyon. Naglalayong makapagbigay-alam sa pinagdaan ng organisasyon at makapagbigay-detalye sa kung paano nagsimula ito. Tutukuyin din ang loob at labas na suliranin ng organisasyon mula 1997 hanggang sa kasalukuyan.
Ang pananaliksik na ito ay magwawakas na ang organisasyong LSDC-- STREET ay nagkaroon ng klarong ideya sa kung paano ito nagsimula at paano na ito sa panahon ngayon. Ito din ay nagawang tumugon at nakaraos sa panloob at panlabas na suliranin ng pinagdaanan nito sa pamamagitan ng mga isinagawang paraan at aktibidad para maayos ito. Sa maraming piangdaanan ng organisasyon, patuloy na magbabgo at uunlad ito dahil ang mga panloob at panlabas na suliranin na ito ang tumutulong na lalong maging matatag na organisasyong ang LSDC--STREET.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19432
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
185 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Dance companies--Philippines
Recommended Citation
Alday, J. (2017). Sayaw sa bubog: Pagsasakasaysayan ng La Salle Dance Company-- Street mula 1997 hanggang 2017. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2840