Ang mito ng lalaking atleta: Isang semiotikong pagbasa sa cover ng men's health magazine
Date of Publication
2017
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Mass Communication
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Rowell D. Madula
Defense Panel Chair
Ernesto V. Carandang
Defense Panel Member
Dexter B. Cayanes
David Michael M. San Juan
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Talaga nga namang naglipana ang mga imahen ng kalalakihang may 'abs' sa mga babasahin gaya ng sa mga dyaryo, flyers at magasin. Isa sa mga sikat na magasin ang Men's health kung saan makikita ang mga naglalakihang katawan ng mga modelong lalaki.
Ang mito ng pagkalalake naman ay ang nagsisilbing mensahe na nakabaon na hindi natin napapansin sa ating midya ngayon. Mapatelebisiyon, radyo at print man, ang mito ay ang binubuong imahe o idelohiya ng mga namumuong panig tulad ng lamang ng patriarkang lipunan at kapitalistang lipunan upang mapanatili ang kanilang mga puwesto.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga kahulugang pinaparating ng mga imahe ng mga lalaking atleta sa Men's Health magazine, paano nito binubuo ang pagkalalaki ng mga kabataang lalaki. Gamit ang Semiotic Analysis Theory na sinualt ni Roland Barthes, susuriin ang mga imahe sa mga tema ng 1) teksto 2) modelo 3) iba pang detalye (kulay ng bakgrawnd, lugar kung saan kinuha at iba pa).
Natuklasan ng mananaliksik na sa paggamit ng Semiotic Analysis ay mahihimay ang mga imahe sa magasin na siyang pokus ng papel na ito. Lumabas sa pagsusuri, ang mga termino na malakas at pagiging sekswal ng mga imahe. Tumugma naman ang mga pahayag ng mga nakapanayam sa mga pagsusuring ginawa ng mananaliksik.
Napapanatili ng mga namumunong panig na kapitalsita at patriarkang hegemoniya ang konsepto ng 'Pagkalalaki' gamit ang Men's Health. Ganoon din na lumalabas na hindi lamang ang konsepto kundi pati na rin ang industriya ng pagpapaganda ng katawan ay masumiigting dahil sa mga imahe sa mga magasin.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19417
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
[4], 150 leaves ; illustrations (some color) ; 29 cm.
Keywords
Men's magazines--Philippines; Men's studies-- Philippines; Men; Athletes; Masculinity
Recommended Citation
Rodriguez, G. (2017). Ang mito ng lalaking atleta: Isang semiotikong pagbasa sa cover ng men's health magazine. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2839