(Tu)Long distance relationship: Attachment ng magkarelasyong malayo sa isa't isa
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social and Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Dolores Taylan
Defense Panel Chair
Julio C. Teehankee
Defense Panel Member
Ramil Correa
Basco, Emma Basco
Julio Teehankee
Abstract/Summary
Ang pag-aaral na ito ay ukol sa attachment ng magkarelasyong malayo sa isa't isa. Gamit ang teorya ng attachment ni John Bowlby, tinalakay dito ang iba't ibang banta at problemang nararanasan ng magkasintahan sa isang long distance relationship. Tinalakay sa pag-aaral na ito ang kuwento ng 10 magkasintahang nakapanayam na dumadaan o dumaan sa long distance relationship. Ang mga suliranin na nasagot sa pag-aaral na ito ay ang mga tanong ukol sa mga banta at problema sa attachment ng magkasintahang malayo sa isa't isa. Bukod pa dito, nasagot rin ang mga suliranin ukol sa mga estratehiyang ginagamit at tulong ng teknolohiya upang mapatatag pa ang relasyon sa kabila ng distansya. Magpapakita kung paano nakakaapekto sa attachment ng magkarelasyon ang mga estratehiya at teknolohiyang ginagamit. Layunin ng pag-aaral na ito ang maibahagi at ipaunawa sa marami ang hindi birong mga pinagdadaanan ng mga magkasintahan sa isang LDR. Nais rin maging gabay sa mga magkasintahang nakakaranas o makakaranas ng isang LDR ang mga nakalap ng estratehiya upang mapanatili ang relasyon. Ang mga problemang hinaharap ng mga magkarelasyon sa isang long distance relationship tulad ng pagkakaiba ng oras at i[s]kedyul, internet connection, pagkamiss, miskomunikasyon at selos. Ang mga banta naman na nararanasan ay ang tiwala, gastos at istress sa kanilang relasyon. Ang mga estratehiyang nakatutulong panatilihin ang isang long distance relationship ay ang pagkakaroon ng komunikasyon, online dates, sorpresa, pagpaplano. Mahalagang estratehiya rin para sa mga magkasintahan ang pagiging tapat, pagbibigay ng tiwala at pagbibigay ng respeto sa karelasyon. Sa mga magkarelasyon sa LDR, malaki ang tulong ng teknolohiya dahil nagiging madali makausap ang kasintahan at bukod pa dito, libre ang mga aplikasyon. Sa tulong ng teknolohiyang ginagamit, mas nauunawaan ang mga pinagdadaanan ng mga magkarelasyon sa isang LDR. Sa mga nakalap na impormasyon, masasabi na sa kabila ng iba't ibang banta at problema sa isang long distance relationship,
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19423
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
118 leaves ; illustrations ; 28 cm.
Keywords
Long-distance relationships--Philippines; Interpersonal relations--Philippines
Recommended Citation
Cabrera, B. (2016). (Tu)Long distance relationship: Attachment ng magkarelasyong malayo sa isa't isa. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2834