TINDERelasyon: Pag-aaral sa mga konsepto ng relasyon na nakapaloob sa espasyong TINDER

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Rowell Madula

Defense Panel Chair

Grace Tabernero

Defense Panel Member

David Michael San Juan
Ernesto V. Carandang, II
Julio Teehankee

Abstract/Summary

Ang Tesis na ito ay tungkol sa pag-aaral ng dalawang anyo ng relasyong nakapaloob sa aplikasyong Tinder. Gamit ang teoryang Self-commodification ni Joseph E. Davis, sinuri nito kung paanp nagiging produkto ng Tinder ang Tinderista sa halip na ang kabaligtaran nito. Gumamit din ang mananaliksik ng ilang kaugnay na konsepto upang malawak na maipaliwanag ang bawat aspekto ng paksa. Upang magkapagbigay-kasagutan sa mga inilahad na suliranin, nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa 20 respondente. Sampu sa kanila ang nagmula sa romantikong relasyon at sampu naman mula sa sekswal na relasyon. Sila ay nasa edad 18-23 at naninirahan sila sa loob lamang ng Metro Manila. Sa panahong isinagawa ang pakikipanayam, bawat isa sa kanila ay nag-aaral sa pamantasang hindi malayo sa lokasyon ng mananaliksik. Gumawa rin siya ng personal nyang akawnt sa Tinder upang makipagkilala at makahanap ng ilang respondente. Pitong tanong ang ibinigay sa mga respondente at naglaan ang mananaliksik ng 20-30 minuto bawat isa. Sa unang bahagi ng pag-aaral, tinalakay ang anyo ng komunikasyong umiiral sa ganitong espasyo. Unang sinuri ang bawat katangian ng aplikasyon gaya ng display photo, location, at proximity na may kani-kaniyang ambag sa pagkakasakaturaparan ng mithiin ng Tinder. Mula sa nakalap ng mga datos, napag-alamang nakakaapekto ang bawat katangian ng Tinder upang magkaroon ng panibagong identidad at panlasa ang Tinderista. Nagiging daan ang mga ito upang manipulahin nila ang pagkataong inilalabas nila sa aplikasyon. Bukod pa rito, ipinahiwatig ng naging karanasan ng mananaliksik at ng mga respondente na nangingibabaw ang direktang pananalita sa Tinder. Ginamit ang konseptong Pahiwatig ni Melba Magay upang suriin ang ganitong aspekto ng aplikasyon. Tahasang inihatid ng mga Tinderista ang kanilang mensahe sa kanilang kausap. Masasabing naisasakatuparan ang daloy ng komunikasyon sa espasyong Tinder sa pamamagitan ng message encoding at message decoding sa pagitan ng dalawang Tinderista. Natuklasan din sa pag-aaral

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19420

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

[7], 159 leaves ; 29 cm.

Keywords

Interpersonal relations

This document is currently not available here.

Share

COinS