Ang balisong bilang sagisag-kultura ng Barangay Balisong, Taal, Batangas City
Date of Publication
2016
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Social and Behavioral Sciences
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
David Michael M. San Juan
Defense Panel Chair
Ernesto Carandang, II
Defense Panel Member
Rowell Madula
Maria Lucille Roxas
Julio C. Teehankee
Abstract/Summary
Sinipat ng pananaliksik na ito ang balisong bilang sagisag-kultura ng Barangay Balisong, Taal, Batangas City. Nakalap sa pananaliksik na ito ang kuwentong-buhay ng mga manggagawa ng balisong at ang proseso sa paggawa ng mga balisong. Nakalap naman mula sa mga mamamayan ng baryo ang kahalagahan ng Barangay Balisong sa mismong balisong. Sa huli, sinuri kung paano nagsisilbing sagisag-kultura ang balisong sa mga mamamayan ng Barangay Balisong, Taal, Batangas City sa pamamagitan ng Social Identity Theory.
Matatagpuan ang kuwentong-buhay ng mga manggagawa ng balisong sa pananaliksik na ito. Sa pagbabahagi ng kanilang kuwento at saloobin tungkol sa balisong, makikita ang kahalagahan ng kanialng trabaho para sa kanila at mga pamilya nila. Sa mga kuwentong-buhay na ito makikita rin na namulat ang mga mangagawang ito sa balisong simula pagkabata. Natutunan nila ang tradisyong ito sa kanilang mga magualng at kamag-anak. Masasabing may pagpapahalaga ang mga mangagawa sa mga balisong at sa paggawa ng mga ito dahil ito ang ikinabubuhay nila at ito na rin ang paraan upang masuportahan ang kanialng mga pamilya.
Makikita rin sa pananaliksik na ito ang proseso sa paggawa ng mga balisong. Mahalaga ang bawat bahagi ng paggawa ng mga patalim na ito dahil ito ang bumubuo sa magandang kalidad ng mga balisong na gingawa sa Barangay Balisong. Mayroon iba't ibang haba ang balisong, mula sa 24 cm hanggang 29 cm. Marami namang materyal ang maaring gamitin para sa housing ng balisong tulad ng mga sungay ng usa at kalabaw, matitibay na kahoy tulad ng kamagong at narra, atbp.
Sa pamamagitan naman ng mga panayam kasama ang mga mamamayan ng baryo, makikita ang kahalagahan ng Barangay Balisong para sa mismong balisong. Nauna na ang Barangay Balisong bago pa tawaging balisong ang patalim. Laceta ang unang pangalan nito noon. Sa pagbabahagi ng mga mamamayan ng kaalaman nila, matutuklasan na dahil mismo sa pangalan ng baryo kaya pinangalanang balisong ang patalim.
Sa tulong naman ng Social Identity Theory, matutuklasan na likas lamang ang balisong para sa mga Batangueno partikular na sa mga mamamayan ng Barangay Balisong. Kaakibat ng teoryang ito ang pagdanas ng immersion ng mananaliksik. Sa pamamagitan nito, natuklasan ang kahalagahan ng balisong para sa mga taga-baryo. Natuklasan din ang mabait na kaugalian mg mga taga-baryo dahil sa immersion ng mananaliksik.
Sa kabuuan, mahalaga ang balisong at ang paggawa ng mga ito para sa mga manggawa dahil ito ang tanging kabuhayan nila at pangsuporta sa kanilang pamilya. Mahalaga rin na matutunan ang proseco sa paggwa ng mga balisong upang maging malay ang mga Pilipino sa kulturang ito. Para naman sa mga mamamayan, mahalaga ang balisong dahil ito an kinalakihan nilang kultura simula pagkabata. Sa tulong ng Social Identity Theory, natuklasan na ang mga Batangueno ay mababait, may pagpapahalaa at pagmamahal sa kanilang trabaho at kapaligiran, at may pagpapahalaga at pagmamahal para sa balisong.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU19415
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
110 leaves ; illustrations (some color) ; 28 cm.
Keywords
Knives--Philippines--Batangas City; Culture
Recommended Citation
Galvan, D. (2016). Ang balisong bilang sagisag-kultura ng Barangay Balisong, Taal, Batangas City. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2831