Mula sa malayong lupa, kuwento ng pakikibaka

Date of Publication

2016

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Literature

Subject Categories

Comparative Literature

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Literature

Thesis Adviser

Rowell Madula

Defense Panel Member

Genevieve Asenjo Cruz

Jeremy De Chavez

Abstract/Summary

Kabi-kabilang pagpatay laban sa mga katutubong lumad na Manobo ang naganap noong 2015 bunsod ng tumitinding militirisasyon sa Mindanao at sumisiklab na digmaan ng AFP at NPA. Bagamat walang ibang pinangarap ang mga katutubo kundi ang ipagtanggol ang kanilang ancestral domain mula sa anomang interes, patuloy silang nadadawit sa bakbakan ng mga sundalo at rebelde at nababansagan pa ng sympathizer ng armadong pakikibaka. Katunayan, noong 2015, pinaslang ng mga pinaghihinalaang kasapi ng grupong paramilitar na Magahat-Bagani Forces ang ilang Manobo at kilalang tumulong sa mga Manobo, tulad ni Emerito Samarca, 54, executive director ng eskuwelahang Alcadev. Bunsod ng lumalalang tensyon sa kani-kanilang tahanan, natulak ang maraming lumad na mag-bakwit (forced evacuate) sa iba't ibang urban facilities ng Mindanao, tulad sa Tandag City Sports Complex sa Surigao del Sur.

Mula sa trahedyang sinapit ng mga katutubo sa Andap Valley sa Lianga, Surigao del Sur, nabuo ko ang isang maghabang reportage na nagkukuwento sa madugong kasaysayan at mahabang pakikibaka ng mga Manobo. Ibinahagi ko sa sanaysay na ito ang aking pagtanaw sa kanilang kalagayan mula sa isang linggo kong pakikipamuhay at pakikipag-usap sa mga biktima ng militirisasyon at pamilya ng mga nasawi. Inilahad ko rito ang mga puwersang sa pananaw mismo ng mga Manobo ay humahadlang sa kanilang kalayaan at mga karapatan bilang mga katutubo ng Andap Valley.

Abstract Format

html

Note

Cover title.

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU19717

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

61 leaves ; 28 cm.

Keywords

Manobos (Philippine people)--Social conditions

This document is currently not available here.

Share

COinS