Konseptong bakod, bukod, at buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia
Date of Publication
2015
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Economics
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
David Michael M. San Juan
Defense Panel Chair
Rowell D. Madula
Defense Panel Member
Lilibeth Oblena
Abstract/Summary
Ang tesis na ito ay tungkol sa pag-aaral ng SM By The Bay bilang isang pook-pasyalan at kumikilala sa identidad ng mga Pilipino. Ang SM By The Bay ay binubuo ng mga establisyimento, food stalls at amusement park. Ginamit sa tesis na ito ang konseptong Bakod, Bukod, at Buklod ni Dr. Elizabeth Morales-Nuncio upang matukoy ang katangian ng lugar at identidad ng mga taong namamasyal o pumupunta dito.
Ilan sa mga naging metodo ng mananaliksik ay ang pag-obserba ng ilang linngo sa By The Bay at ang pakikipanayam sa ilang taong naroon sa lugar. Naging bahagi rin ng metodo ang pagdanas ng pagiging konsumer sa loob ng espasyo. Ipinakita ng mananaliksik ang mga posibleng pinupuntahan ng mga Pilipino sa SM By The Bay at kung bakit ito naituturing na isang pook-pasyalan ng kahit anong uri ng tao.
Ginamit at pinagbatayan din ng mananaliksik ang konsepto sa librong Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan hanggang SM City North Edsa (2012) ni Elizabeth Morales Nunicio, upang mas maging maayos ang daloy at pagpapaliwanag kung ano ang natatanging katangian ng By The Bay kung kaya siya pinupuntahan ng tao at paano nito hinuhubog ang identidad ng isang konsumer sa oras na nakatapak na ito sa bakod ng By The Bay.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21453
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
92 leaves ; illustrations ; 28 cm.
Keywords
Shopping malls--Philippines; Shopping centers-- Philippines; Shopping malls--Social aspects
Recommended Citation
Lopez, V. D. (2015). Konseptong bakod, bukod, at buklod sa SM By The Bay, Mall of Asia. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2783