Ang senyorang bida-kontrabida: Pagsusuri ng panlalait ng internet meme na Senyora Santibanez gamit ang gitnang uring fantasya

Date of Publication

2015

Document Type

Bachelor's Thesis

Degree Name

Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media

Subject Categories

Social and Behavioral Sciences

College

College of Liberal Arts

Department/Unit

Filipino

Thesis Adviser

Lilibeth O. Quiore

Defense Panel Chair

Efren J. Domingo

Defense Panel Member

Madula, Rowell D. Madula

Abstract/Summary

Malaki na ang naiaambag ng internet sa pagpapalawak ng impormasyon. Sa kasalukuyan, isa sa mga bagong pakulong sumibol sa mundo ng internet ay ang internet meme. Sa website na Facebook, kilalang-kilala ang internet meme na Senyora Santibanez, na hango sa kontrabidang si Angelica de Santibanez mula sa telenobelang Marimar. Nakilala ito dahil sa pagpo-post ng mga nakatutuwa at mapanglait na mga larawan. Ito rin ang pangunahing paksa ng buong pag-aaral na ito. Hangad ng mananaliksik na matuto ang tao na maging mapanuri at ng tamang media literacy.

Mula sa opisyal na Facebook account ng Senyora Santibanez, kumuha ang mananaliksik sa mga meme na siyang nagsilbing datos na sinuri nakakuha ng anim napung (60) meme. Sa mga meme na ito, lumabas na may 5 tama - tungkol sa mga celebrity, pangyayari at okasyon, cellphone, politika at telebisyon. May isang tema na tinawag na at iba pa para sa mga meme na hindi napabilang sa mga temang lumabas.

inilapat ang konseptong Gitnang Uring Fantasya ni Rolando Tolentino upang mas mapalawak ang pagsusuri sa mga ito. Inilapat din ang konsepto sa bawat tema kasama ang at iba pa na tema.

Lumalabas sa mga resulta na may mas malawak na kahulugan ang pawang panlalait na nilalaman ng mga meme na nakalap. Lumalabas din sa mga resulta na karamihan ng mga meme na nasuri ay nagpapakita ng patuloy na pagtangkilik sa kulturang popular sa midya. Ipinahihiwatig ito na bahagi ng kulturang popular ang internet meme na Senyora Santibanez at upang himukin at mabulag lalo ang tao sa ginagawang ideyal na imahen, ideyal na karanasan, at ideyal na paraan ng kulturang popular. Naitanggi lamang ang kulturang popular dahil sa temang pampolitikang lumabas sa pagsusuri.

Bilang rekomendasyon sa buong pag-aaral, naniniwala ang mananaliksk na marami pang maaring gawin tungkol sa paksang ito. Maaari rin namang gumagawa ng pag-aaral sa iba pang internet meme.

Abstract Format

html

Language

Filipino

Format

Print

Accession Number

TU21452

Shelf Location

Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall

Physical Description

61 leaves ; colored illustrations ; 28 cm.

Keywords

Senyora Santibanez (Fictitious character)--In popular culture; Popular culture--Philippines; Memes--Philippines; Online social networks-- Philippines

This document is currently not available here.

Share

COinS