Balita mo, ipatrol mo: isang pag-aaral sa partisipasyon ng mamamayan sa programang Bayan mo, ipatrol mo gamit ang kulturang popular at propaganda model
Date of Publication
2014
Document Type
Bachelor's Thesis
Degree Name
Bachelor of Arts in Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media
Subject Categories
Broadcast and Video Studies
College
College of Liberal Arts
Department/Unit
Filipino
Thesis Adviser
Maria Lucille G. Roxas
Defense Panel Chair
Raquel E. Buban-Sison
Defense Panel Member
Efren J. Domingo
Abstract/Summary
Hindi biro ang dami ng mga suliranin at isyung dapat bigyan ng solusyon ang siyang kinakaharap ng ating pamahalaan kada araw. Kung kaya naman hindi maiiwasan na ang ilan sa mga problema sa ating lipunan ay hindi agarang nabibigyan ng pansin. Noon, tanging sa pamamaraan lamang ng pagsulat sa letter to the editor ang pamamaraan ng mga mamamayan upang maging bahagi ng sistema ng pamamahayag at upang mabigyang pansin ang kanilang mga hinaing o di kaya'y ang mga isyu na pinapahalagahan nila.
Sa kasalukuyan, aktibong hinihikayat ng programa sa pagbabalita ng ABS-CBN ang paglahok ng mga mamamayan o kani-kaniyang manonood at tagapagtangkilik sa segment nilang may pamagat na Bayan Mo, Ipatrol Mo. Ang mga lumalahok na tagapagtangkilik ay mala reporter na mayroong di-karaniwang kapangyarihan kagaya ng napapanood na mga propesyunal na reporter. Altrowistiko ang pagbubukas ng network na ito sa pagbabalita sa mamamayan. Ang dating eksklusibong linya ng pagbabalita para sa mga propesyunal at nakapag-aral noon at abot-kamay na ng karaniwang mamamayan alang-alang sa kapakanan ng lipunan at sambayanan. Makikita natin na ang network na ito ay tunay na nagbibigay serbisyo sa publiko.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Kulturang Popular ni Rolando Tolentino at Propaganda Model nina Edward Sherman at Noam Chomsky bilang gabay sa teoretikal na balangkas at aplikasyon sa mga nakalap na datos. Magmula sa mga naging resulta ng mga nakalap na datos sa metodolohiya ng pag-aaral na ito lumalabas na mayroong malaking limitasyon sa partisipasyon at pagma-manipula sa mga mamamayan sa programang Bayan Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN.
Abstract Format
html
Language
Filipino
Format
Accession Number
TU21442
Shelf Location
Archives, The Learning Commons, 12F, Henry Sy Sr. Hall
Physical Description
229 leaves ; 28 cm.
Keywords
Reporters and reporting--Philippines; Citizen crime reporting--Philippines; Citizen journalism-- Philippines; Journalism--Philippines
Recommended Citation
Arzadon, N. (2014). Balita mo, ipatrol mo: isang pag-aaral sa partisipasyon ng mamamayan sa programang Bayan mo, ipatrol mo gamit ang kulturang popular at propaganda model. Retrieved from https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2771